Minsan sumakay ako ng
Jeep, galing ng eskuwela
Meron akong nakita sumakay
Na magandang dalaga
Itong chick ay seksi
Talaga at sos ang dating
Kaya naisipan kong
Magpacute at magpapansin
Oh, anong tuwa ko nang
Abutin ko ang kanyang bayad
Para akong asong ulol baw
Waw waw na nagkakandarapa
Halos magkanda haba haba
Haba haba haba haba
Ang aking kamay sa pag abot
Nang kanyang sukli
Sabay bigla akong nag hi, "hi!"
Miss miss sa loob ng jeepney
Sana naman ako ay bigyang pansin
Miss miss sa loob ng jeepney
Sana naman akoy bigyan tingin
(tingin naman diyan)
(tingin naman diyan)
Isa lang po ang aking problema
Kung paano ko siya makikilala
Eh pumara ang jeep, sumakay si lola
E puno na pala
Kahit di ko gawain
Ako'y napilitan, "lola dito ka na"
Nang akoy nakasabit
Nabigla ang bulong niya "ingat
Ka baka ka madisgrasya"
Akoy na shock sa caring niya
Akoy na shock kasi concern siya
Pumalakpak ang aking tenga
Plak, plak, plak, ang
Sabi na aking tenga
Miss miss sa loob ng jeepney
Sana naman ako ay bigyang pansin
Miss miss sa loob ng jeepney
Sana naman akoy bigyan tingin
(tingin naman diyan)
(tingin naman diyan)
Pagdating sa dulo biglang natraffic
May banggaan daw sa kanto
Nagkabanggaan ang aming tingin,
Nauwi sa mabuting usapin
Nagkabanggaan, nagkahabaan
Ang aming usapan
Mula kababawan hanggang
Kalaliman, di ko namalayan
Siya pala ay papara na
Goodbye goodbye ang sabi niya
Goodbye goodbye hangang
Sa muling pagkikita
Goodbye, goodbye, goobye
Goodbye, goodbye
Nakalimutan kong itanong
Pangalan niya at tirahan niya
Nakalinutan kong isulat phone
Mumber niya o beeper number niya
Nakalimutan kong sabihin ang
Pangalan ko at ang bayan ko
Nakalimutan ko nakalimutan ko
Nakalimutan ko pati bayad ko
Miss miss sa loob ng jeepney
Sana naman akoy bigyang pansin
Miss miss sa loob ng jeepney
Sana naman akoy bigyang tingin
Miss miss sa loob ng jeepney
Sana naman ako'y kausapin
Miss miss sa loob ng jeepney
Pamasahe mo'y aking aabutin
Paano kita hahanapin
Paano kita hahagilapin
Eh hinabol ako ng driver
Na sinakyan natin
Kaya, kaya, kaya, kaya
Nag 1 2 3 ako pangkistaaa!