Nakatambay ako syempre gawaing binatilyo
Ako ay nag iisa at hawak ko ay sigarlyo
At bigla kang dumaan at ako’y napatingin
Tumayo akong bigla na
Para bang may nais hingin
(ano kaya yun?)
Hmm siguro numero, di
Ko alam ang gagawin
Bigla akong natuliro huminga
Ko ng malalim ang loob
Nilakasan
Ang nadadamang kaba
Sa katawan nilampasan
Itinanong sayo miss, miss
Teka lang anong pangalan mo?
Sabi mo naman (bakit at ano naman sayo?)
Sabi ko ulit sayo gusto ko lang malaman
Baka pwede naman ate
Sayo makipagkaibigan
Ang sagot mo sakin..
Sus, yun lang naman pala eh!
Walang probleman dun basta’t
Nandyan ka lang palagi
Pag ako’y nalulumbay maaasahan ba kita?
Ang sagot ko sa iyo
Syempre naman ako pa? huh
Alam mo? di mo pa alam,
Kasi ngayon ko pa lang
Sasabihin eh (hehehe)
Bkit nung una pa lang kitang nakita
Hinablot mo na kagad ang puso ko
Hindi ka naman snatcher di ba?
Bakit kaya?
Isa pa ano bang meron sayo na kakaiba
Na hindi ko makita sa iba
Kaya simula nung oras na yun,
Pinangako ko sa sarili
Ko na iingatan kita
Ako ang magiging soulja boy mo
Habang buhay, para sayo…
Kaya…
Simula nun tayo’y naging
Matalik na kaibigan
Bantayan alagaan ka aking kinahiligan
Pag sayo’y may manliligaw
Ika’y kokontakin
Tatawagan ka nila at aking kokontrahin
Dadating ang manliligaw
Ko na may sasakyan
Wag kang sumama sige ka,
Ang puso mo wasak yan
Eh ang sabi nya wala pa
Syang nagiging kasintahan
Marami ng naloko yan oh eto ang listahan
Hindi ko masabi ang nasa damdamin
Na parang gusto kong ika’y mapasakin
Naalala ko nuon ako ay tinitigan
Ako’y naiinlove ngunit aking pinipigilan
Ano kaya itong nadadama
Sayong mata ako’y nadadala
Minsan nga gustong sabihin
Sa iyong mahal kita
Kaso baka sagot lang sakin
Wag ka ngang magpatawa tse!
Yan! yan ang dahilan kung
Bakit di ko inaamin sayo
Kase kaibigan lang, kaibigan lang
Ang ranggo ko dyan sa puso mo
Tingin mo lang sa akin, ganon lang
Pero ako iba na ang
Nararamdaman ko para sayo
Hoy! iba na ang nararamdaman
Ko para sayo (hehehe)
Naalala ko tuloy nun,
Isang araw nagkita tayo sa
Tambayan
May sasabihin sana akong matindi sayo
Kaso umatras na naman
Ang dila ko (hehehe)
Ganito ang nangyari nun eh,
Ganitong ganito ha!
Okey pakingan mo
Pwede ba kitang yayain?
(saan?)
Sa pasyalan
(sige ba!)
Pagkatapos
Ituloy na sa kasalan…
(ha? baliw ka ba?)
Ito naman hindi na mabiro
(parang g o ka kase)
Hehe halika dito
(may gusto ka bang sabihin
Tapatin mo nga ako, inlove
Ka ba?)
Kaibigan lang kita at
Hindi tayo talo diba?
(talaga lang ha? totoo ba yan?)
Oo nga!
(e bat lagi mo kong
Sinusubaybayan)
Ah eh ganito kase
Yan!
(sige paliwanag mo)
Ayoko lang may tumabi dyan!
(saang tabe?)
Saan pa ba
E di dyan sa tabi mo!
(bakit nagseselos ka?)
Anong pinagsasabi mo
(kunyari ka pa)
Kulit naman oo nga mahal kita
Ngunit bilang kaibigan
Lang naman oh, gets mo na?
(okey, sige na, okey na baka
Hinahanap mo na ko samin)
Sige ingat ka, shit!
Bakit di ko pa inamin
Tama ganon nga, di ko alam
Kung bakit naging ganun
Pag nasa tapat na kita, kahit
Summer nilalamig pa rin
Ako
Tsaka, wala naman si
Mickey mouse sa dibdib ko
Pero ba’t dinadaga ako
Huh! ang madaming katanungan
Na hindi ko pa masagot sa
Sarili ko
Kay ginawa ko tong kanta na to
Para ilabas na to di
Ko na kasi matiis eh
Kahit dito lang,
Kahit dito lang malaman mo ang totoo
Hindi ko to masabi sa iyo ng personal
Baka isipin mong ako’y
Madrama at emosyonal
Nahihiya kasi ako at baka mapahiya
O di kaya’y mahimatay
Ka at biglang mapahiga
Na lang sa lupa dahil
Saking sasabihing kataga
Hindi nasabi kaagad dahil ako’y dinadaga
Kapag ika’y nasa harap
Ko di makapagsalita
Pagka’t malayo agwat mo
Satulad kong maralita
Pero sa oras na itongayon
Ako’y mapapaamin
Mahal kita may tsansa
Bang ikaw ay mapasa akin?
O ayan nasabi na at alam mo na ngayon
Kay tagal ko tong tinago
Sa loob ng panahon
Na lagi tayong magkasama
Satambayan at inuman
Minsan nga lasing ka na ang
Braso ko’y iyong inunan
Pero walang malisya
Papel lang ay kaibigan
Ngunit pinapangarap kong
Tayo’y magka ibigan
May aaminin ako sayo, may
Sasabihin ako sayo ha
Wag kang maingay ha, ako si batman!
Hindi joke lang..
Ayan na sinabi ko na
Ngayon ko lang nalabas to
Sa kanta, pa’no pag nagkita
Tayo ng personal na naman
Pero sana, sa pagkikita
Natin, maintindihan mo na ko
Akala ko nga noon,
Saging lang ang may puso
Mali pala, kahit bakal ang puso ko
Ikaw ang babaeng nakamagnet nito