Bakit ba ganyan ang damdamin 
Alaala'y sadyang ikaw 
Sa pag-iisa'y nakikita 
Bakit lagi ay naron ka 
Dati rati'y di pansin 
Ang mga sulyap mo at mga tingin 
Pilit na lumalayo 
Ngunit ang damdamin 
Ang sya'ng nagsasabing 
Ibigin ka ng tunay at lubusan 
Ngunit ang isip ko'y takot 
Baka masaktan lamang 
Gagawi'y sadyang di ko malaman 
Kay gulo ng isip ko 
Puso ay litong-lito 
Kung paano 
Aaminin ko'ng sa pangarap 
Ay kasama ka kahit saan 
Yakap mo't halik h'ay di kaya 
Na pigilan kahit kailan 
Dati rati'y di pansin 
Ang mga sulyap mo at mga tingin 
Pilit na lumalayo 
Ngunit ang damdamin 
Ang sya'ng nagsasabing 
Ibigin ka ng tunay at lubusan 
Ngunit ang isip ko'y takot 
Baka masaktan lamang 
Gagawi'y sadyang di ko malaman 
Kay gulo ng isip ko 
Puso ay litong-lito 
Kung paano 
Iibigin ka ng tunay at lubusan 
Ngunit ang isip ko'y takot 
Baka masaktan lamang 
Gagawi'y sadyang di ko malaman 
Kay gulo ng isip ko 
Puso ay litong-lito 
Kung paano, ohhh.