menu-iconlogo
logo

Chiksilog

logo
Lirik
Magdamag nag aabang. Maglalaro kaya?

Ang dalagang nagtatago

sa alyas na Maldita.

Sa dating tagpuan sa bayan ng Prontera

Sa tabi ng tindahan ng magic at sandata

Nung minsan nga ay

nag alay ka pa ng buhay mo

Nang kinalaban natin ang mga bagong dayo

Natalo na sila at nagyaya kang magsaya

Tanging hinihintay ang makita ka

Alas dos nung linggo (sa Gotesco)

Nagpolo pa ako (At nagpabango)

Nananabik habang (hinahanap ka)

Tumigil ang mundo (nang makita ka)

Chicksilog, ako ay nahulog

Nilinlang, niloko, alam

ko na'ng sikreto mo

Chicksilog, ako ay nahulog

Nilinlang, niloko, alam

ko na'ng sikreto mo

malupet na instrumental

Walang saysay mag level

ang pantasya ay nasira na

Ang iniipong lakas naglaho parang bula

Kaya pala ang husay mo sa espada

Si Maldita ay lalake pala

Alas dos nung linggo (sa Gotesco)

Nagpolo pa ako (At nagpabango)

Nananabik habang (hinahanap ka)

Tumigil ang mundo (nang makita ka)

Chicksilog, ako ay nahulog

Nilinlang, niloko, alam

ko na'ng sikreto mo

Chicksilog... Chicksilog...

Chicksilog...

Sana ikaw ay mabugbog

Chiksilog oleh Kamikazee - Lirik & Cover