Hipuin mo panginoon
Ang puso kong nagdaramdam
Ikaw ama ang may alam
Kung ako ma'y nasasaktan
Sa gitna ng mga luha
At hirap ng kalooban
Pag-asa ko at tiwala
Ika'y Diyos na mapagmahal
Alaala sa tuwina ang alam mo'y di ko alam
Ang isip mo ay mas higit kaysa aking kaisipan
Ang nakikita mo'y 'di ko nababanaagan
At ikaw ang may hawak ng buhay at kalakasan
Sinisigaw ng puso ko purihin ka aming ama
Sa iyo ako nanghahawak sa hirap man o ginhawa
Tulungan mo lamang ako, lahat aking mababata
Mananatiling lingkod mo hanggang sa walang hanggan
Hiling ko lang panginoon huwag mo akong iiwanan
Dahil 'di ko makakaya kung ako ay mag-isa lamang
Ang awa mo, aking ama ang higit kong kailangan
Upang ako ay mahango sa labis na kalungkutan