Anong hiwaga ang nadarama
Ang puso ko'y sadyang nagtataka
Dati rati ay di ko pansin
Tunay na walang wala sa akin
Ganda mo'y wala sa aking pagtingin
Ngunit bakit ba ngayo 'y nagbago na
Bawat sandali hanap ka ng mata
Nais ko'y laging kapiling ka
Ganyan ang aking nadarama
Tunay na sa puso ko'y mahal kita
Nagbago ang lahat at nag iba
Mula ng makasama ka
Anong tamis anong saya
Lalo na at kayakap ka
Bawat saglit ay may ngiti
Anong saya ng sandali
Wala ng hahanapin pa
Dahil nandito ka
Parang gayuma ang iyong ganda
Sa pagtulog ko ay kasama ka
Sana ay panghabambuhay na
Pagtitinginan natin dalawa
Nais ko'y walang wakas na pagsinta
Nagbago ang lahat at nag iba
Mula ng makasama ka
Anong tamis anong saya
Lalo na at kayakap ka
Bawat saglit ay may ngiti
Anong saya ng sandali
Wala ng hahanapin pa
Dahil nandito ka
Nagbago ang lahat at nag iba
Mula ng makasama ka
Anong tamis anong saya
Lalo na at kayakap ka
Bawat saglit ay may ngiti
Anong saya ng sandali
Wala ng hahanapin pa
Dahil nandito ka
Dahil nandito ka......