menu-iconlogo
logo

Ingat Ka

logo
Lirik
Naaalala mo pa ba

Nung magkasama tayong dalawa

Kahit sa problema may masayang eksena

Parang pelikula na merong magandang tema

Nakakainis ka

Nakakainis na

Inisip ko pa rin yung mga kapit mo sa ‘kin

Biglang dumating kahit ‘di ko pinanalangin

Wala nang hiling wala na ‘kong hiling

Tinawagan ay nandyan ka

Sinamahan ‘pag mag-isa

Yung dating laging masaya

Ay bigla na lang nag-iba

Pero bakit ba iniwan mo ‘kong mag-isa

Kahit nasa’n ka

Mag-iingat ka

Kahit nasa’n ka

Mag-iingat ka

Malayo malapit

Saksi ang langit

Nanghihinayang pero walang galit

Kaya nga kahit nasa’n ka

Mag-iingat ka

Dati sabi natin sa isat-isa walang susuko

Nasayang lang naman pala lahat ng mga luhang tumulo

Sa pag-ibig marami nang napasubo

Niluwa nung iba nung ‘di masarap ang luto

Matalino man yung iba dito

Mas marami pa din ang hindi pa natututo

‘Di ko na matandaan kung nasaan

Pagmamahalan lamang ang tamang daan

Ayoko nang hanapin pero nandya-dyan

Pinilit buksan wala namang laman

Sumugal kahit anong kalabasan

Parang tattoo na kahit masakit tiisin mo lang

Malalim ang sugat sige didibdibin mo ‘yan

Mainit ‘yan na para kang sinisindihan

Alam ko naman na hindi palaging masaya

Mararanasan kung bakit ang pait ng ampalaya

Ampalayain kita kala mo ba ganun kadale

Marami nang tumulong luha dahil sa mga mali

Lumuluha sa likod ‘pag kaharap nakangiti

Binabalanseng lumakad sa mundong nakatabingi

Mahirap kapagka mag-isa ka nakakabingi

Maaalala mo lahat ng nakaraan nyo kasi kasi

‘Pag tinawagan ay nandyan ka

Sinamahan ‘pag mag-isa

Yung dating laging masaya

Ay bigla na lang nag-iba

Pero bakit ba iniwan mo ‘kong mag-isa

Kahit nasa’n ka

Mag-iingat ka (mag-iingat ka)

Kahit nasa’n ka

Mag-iingat ka

Malayo malapit

Saksi ang langit

Nanghihinayang pero walang galit

Kaya nga kahit nasa’n ka

Mag-iingat ka

Ingat Ka oleh Nicole Omillo/Pio Balbuena - Lirik & Cover