Huwag ka nang magtago, lumabas ka na
Huwag ka nang matakot, magsalita ka na
Mahirap ang nasa gitna, dapat ikaw ay magpasya
Kailangan ng pumanig ka kundi maiipit ka
Imulat ang mata sa katotohanan
Kung may pagdamay ka, ipagtanggol ang kapwa
Huwag nang magbubulag-bulagan pa, ang problema′y nasa harap mo na
Huwag mo nang iwasan pa baka bukas abutan ka
Huwag kang mabahala, 'di ka nag-iisa
Ang puso at diwa lahat itataya
Huwag mag-alinlangan, kakampi mo ang buwan at ang kadiliman
Liwanag ang hangganan
Huwag mong bibitiwan, wastong paninindigan
Huwag magpakalasing sa kapangyarihan
Lahat ng bagay na hinagis mo
Babagsak din sa ′yong ulo
Iikot din ang mundo, ang panaho'y magbabago
Huwag kang mabahala, 'di ka nag-iisa
Ang puso at diwa lahat itataya
Huwag mag-alinlangan, kakampi mo ang buwan at ang kadiliman
Liwanag ang hangganan
Huwag kang mabahala, ′di ka nag-iisa
Ang puso at diwa lahat itataya
Huwag mag-alinlangan, kakampi mo ang buwan at ang kadiliman
Liwanag ang hangganan
Huwag ka nang malumbay, gagaan din ang buhay
Sisikat din ang araw, iyong matatanaw
(Huwag ka na) Huwag ka nang malumbay, gagaan din ang buhay (gagaan din ang araw)
Sisikat din ang araw, gagaan din ang buhay
Sisikat din ang araw (ang araw), gagaan din ang buhay (gagaan din ang buhay)
Sisikat din ang araw (sisikat, sisikat), gagaan din ang buhay