Sa lumang simbahan aking napagmasdan
Dalaga't binata ay nagsusumpaan
Sila'y nakaluhod sa harap ng altar
Sa tig- isang kamay may hawak na punyal
Ako'y mako'y wala na ang bilin ko lamang
Dalawin mo giliw ang ulilang libing
At kung maririnig mo ang taghoy at daing
Yao'y panghimakas ng sumpaan natin
At kung maririnig mo ang tugtog ng kampana
Dumalaw ka lamang sa lumang simbahan
Lumuhod ka giliw sa harap ng altar
At iyong idalangin ang naglahong giliw
At kung maririnig mo ang tugtog ng kampana
Dumalaw ka lamang sa lumang simbahan
Lumuhod ka giliw sa harap ng altar
At iyong idalangin ang naglahong giliw
Lumuhod ka giliw sa harap ng altar
At iyong idalangin ang naglahong giliw
At iyong idalangin ang naglahong giliw