Naaalala mo pa ba no'ng inamin ko sa 'yo? 
Nahirapan banggitin ang gusto kong iparating 
Natulala sa sinabi mo, tumigil ang buong mundo 
'Di alam ang gagawin, natulala sa 'yong tingin 
Bumabagal ang lahat 
'Pag ika'y kasama na 
Sabihin mo sa 'kin, sigaw ng damdamin 
Lahat gagawin basta't kasama ka 
Ikaw ay kumapit, huwag bibitaw 
Basta't alam mo, sa 'yo ang aking pusong naliligaw 
Pusong naliligaw, oh-whoa-oh 
Naaalala mo pa ba, naghawak ang ating kamay? 
Sinabi ko sa 'yo, "Balang araw, ikaw ang kasama habang-buhay" 
Hindi mo ba napapansin ang gusto kong iparating? 
No'ng una pa lang, ikaw na ang gustong kapiling 
Pinipigil ng lahat 
Pero 'di ito sapat 
Sabihin mo sa 'kin, sigaw ng damdamin 
Lahat gagawin basta't kasama ka 
Ikaw ay kumapit, huwag bibitaw 
Basta't alam mo, sa 'yo ang aking pusong naliligaw 
Hindi alam kung pa'no mo 'ko tinamaan 
Bigla na lamang dumating nang 'di inaasahan 
Ikaw na yata, binigay ng kapalaran 
'Wag ka nang bumitaw 
Sabihin mo sa 'kin, sigaw ng damdamin 
Lahat gagawin basta't kasama ka 
Ikaw ay kumapit, huwag bibitaw 
Basta't alam mo, sa 'yo ang aking pusong naliligaw 
Sabihin mo sa 'kin, sigaw ng damdamin 
Lahat gagawin basta't kasama ka (pusong naliligaw, pusong naliligaw) 
Ikaw ay kumapit (pusong naliligaw), huwag bibitaw 
Basta't alam mo (pusong naliligaw), sa 'yo ang aking pusong naliligaw