
Mano Po Ninong
Mano po ninong ko
Ako'y namamasko
Upang humingi po
Sainyo ng aginaldo
Mano po ninang ko
Ako'y bigyan din ninyo
Ito'y nangyayari 'twing
Araw lamang ng pasko
Mano po ninong ko
Ako'y namamasko
Upang humingi po
Sainyo ng aginaldo
Mano po ninang ko
Ako'y bigyan din 'nyo
Ito'y nangyayari 'twing
Araw lamang ng pasko
Ano ba ang iyong nais
Sayo ay ibigay
Ng iyong mga mahal
Na ninong at ninang
Halina aking mahal
At kami iyong hagkan
Upang makamtan mo
Pamaskong inaasam
Mano po ninong ko
Daliin lamang ninyo
Ako'y naiinip
Sa aking aginaldo
Kung ako ay bibigyan
Ako'y di masilan
Kahit kotse at pera
At mayroon pang bahay
Ano ba ang iyong nais
Sayo ay ibigay
Ng iyong mga mahal
Na ninong at ninang
Halina aking mahal
At kami iyong hagkan
Upang makamtan mo
Pamaskong inaasam
Mano po ninong ko
Daliin lamang ninyo
Ako'y naiinip
Sa aking aginaldo
Kung ako ay bibigyan
Ako'y di masilan
Kahit kotse at pera
At mayroon pang bahay
At mayroon pang bahay
At mayroon pang bahay