menu-iconlogo
logo

Pangako

logo
Lirik
Bakit ba may lungkot sa 'yong mga mata

Ako kaya'y 'di nais makapiling sinta

'Di mo ba pansin ako sayo'y may pagtingin

Sana ang tinig ko'y iyong dinggin

Ako ngayo'y hindi mapalagay

Pagka't ang puso ko'y nalulumbay

Sana ay pagkaingatan mo ito

At tandaan mo ang isang pangako

Pangako hindi kita iiwan

Pangako 'di ko pababayaan

Pangako hindi ka na mag- iisa

Pangakong magmula ngayo'y tayong dal'wa ang magkasama

Ano itong nadarama ko

Ako kaya'y nahuhulog umiibig na sa'yo

Sa tuwing kasama ka'y anong ligaya

Sana sa akin ay magtiwala

Kung tunay man ang nadarama mo

Mayro'n akong nais malaman mo

Ang aking puso ay iyung- iyo

'Wag sanang lumimot sa pangako

Pangako hindi kita iiwan

Pangako 'di ko pababayaan

Pangako hindi ka na mag- iisa

Pangakong magmula ngayo'y tayong dalawa

Pangako hindi kita iiwan

Pangako 'di mo pababayaan

Pangako hindi ka na mag- iisa

Pangakong magmula ngayo'y tayong dalawa

Ang magkasama