Sa Kanya Mo Lang...
kung bigo ka man
aking kaibigan
takbo ng buhay mo
ay may kahirapan
mayroong isang
nagmamahal sayo
ilapit mo lamang
ang puso mo...
wag kang mawawalan
ng pag asa
ang kalungkutang nadarama'y
may lunas pa
liwanag ay sisikat din
sa buhay mo
kaginhawaan ay
iyong matatamo
tanging kay Hesus
mo lang ito matatagpuan
tanging kay Hesus
mo lang ito mararamdaman
tanging kay Hesus lamang
mayroong kalunasan
lumapit ka
lumapit ka
sa kanya mo lang ilagak
ang iyong kabiguan
sa kanya mo lang ilagak
ang puso mong nagdaramdam
kahit gaanong kabigat
kaya Niyang lunasan
sa Kanya mo lang ito
matatagpuan
tanging kay Hesus
mo lang ito matatagpuan
tanging kay Hesus
mo lang ito mararamdaman
tanging kay Hesus lamang
mayroong kalunasan
lumapit ka
lumapit ka
sa kanya mo lang ilagak
ang iyong kabiguan
sa kanya mo lang ilagak
ang puso mong nagdaramdam
kahit gaanong kabigat
kaya Niyang lunasan
sa Kanya mo lang ito
matatagpuan
sa Kanya mo lang ito
matatagpuan
sa Kanya mo lang ito
matatagpuan...
end