menu-iconlogo
logo

Promise Sorry Note

logo
Lirik
Promise Sorry Note

By Yumi Lacsamana

Enjoy Listening

Isang liham ang napadpad sa pugad

Dali-dali ay aking ginalugad

Agad bumungad ang mga pangungusap

Na para bang hinatid ako sa ulap

Parapappap napapaawit pa

Subalit 'di ka nagbalik ako'y nangawit nang

Maghintay muli sa wala

Napakagat sa manamis-namis na salita

Nagpadala sa timpla, napaniwalang bigla

Buong akala ko, ako ang dahilan ng sigla

Hindi pala todo iwas pa sa bawat tanong

Puede bang malaman kung

Paano ba tatapusin ang mga bagay-bagay na walang panimula

Palagi-lagi na lamang bang

Mangangapa nagbabakasakali na merong mapapala

Aking hinihiling ang puso ko'y matuto na

Pag nangako s'ya paghingi ng tawad ang sunod

Ito marahil ang promise sorry note

Nakakapagod ang patuloy na umasa

Kung maaari lang puede bang ipasa

Ang nararamdamang hindi mabasa

Sa akala'y nagpasasa kaya

Nagpadala sa timpla, napaniwalang bigla

Buong akala ko, ako ang dahilan ng sigla

Hindi pala umiwas pa sa tanong

Puede bang sabihin mo kung

Paano ba tatapusin ang mga bagay-bagay na walang panimula

Palagi-lagi na lamang bang

Mangangapa nagbabakasakali na merong mapapala

Aking hinihiling ang puso ko'y matuto na

Pag nangako s'ya paghingi ng tawad ang sunod

Ito marahil ang promise sorry note

Laban lang nang laban sobrang tapang ko

Maling tao na pala pinaglalaban ko

Bawat guhit nakaukit sa dibdib ay pumupunit

Pinipilit kahit ang sakit ay paulit-ulit

Ilang pangako ang napako na naglaho

Nais mong maging malinaw ang dati nang malabo

Para bang nagpalamig ka sa gitna ng lahar

Kailangan kita waze saan ba ko lulugar

Nalilito, gulong-gulo hanapin ang sarili ko

Sana ay makasalubong ko para masabi ko

Tama na awat na puso ko'y pagod na

Hanggang isip at sa kaloob-looban ay durog na

Aking hinihiling ang puso ko'y matuto na

Pag nangako s'ya paghingi ng tawad ang sunod

Gusto ko lang malaman

Paano ba tatapusin ang mga bagay-bagay na walang panimula

Palagi-lagi na lamang bang

Mangangapa nagbabakasakali na merong mapapala

Aking hinihiling ang puso ko'y matuto na

Pag nangako s'ya paghingi ng tawad ang sunod

Ito marahil ang promise sorry note

(Oooohhhhhhh)

Aking hinihiling ang puso ko'y matuto na

Pag nangako s'ya paghingi ng tawad ang sunod

Paulit-ulit na promise sorry note

Promise Sorry Note oleh Yumi Lacsamana/Aikee - Lirik & Cover