menu-iconlogo
logo

Matututunan Din Nila 'Kong Mahalin

logo
Lirik
'Di ba 'ko kagusto gusto

Parang lahat lumalayong husto

Lagi na lang akong nadarapa

Kay rami nang biglang nawawala

Ngayo'y nag-iisa

Ngunit umaasang may darating pa

Kapag naubos na ang sinag ng araw

Matututunan din nila 'kong mahalin

Kapag ang dagat ay dagli nang bumabaw

Matututunan din nila 'kong mahalin

Kapit ng maigting may darating din

Matututunan din nila 'kong mahalin

Nais ko rin maramdaman

Pakiramdam ng mayroong nandiyaan

Laging handang yumakap humalik

Sa pagdating ko ay sabik

Ngayo'y nag-iisa

Ngunit umaasang may darating pa

Kapag buhangin ay hindi na inanod

Matututunan din nila 'kong mahalin

Kapag ang bukas at kahapo'y nag-abot

Matututunan din nila 'kong mahalin

Kapit ng maigting may darating din

Matututunan din nila 'kong mahalin

Ngayo'y nag-iisa

Ngunit umaasang may darating pa

Kapag maaari nang tumapak sa ulap

Matututunan din nila 'kong mahalin

Kapag pupuwede nang bundok ay matulak

Matututunan din nila 'kong mahalin

Kapit ng maigting may darating din

Matututunan din nila 'kong

Kahit lahat ng komplikado ay simple

Matututunan pa kaya 'kong mahalin

Kahit mangyaring lahat ng imposible

Matututunan pa kaya 'kong mahalin

Kapit mang maigting meron bang darating

Matututunan pa kaya 'kong mahalin