Minsan madarama mo kay bigat
Ng problema
Minsan mahihirapan ka
At masasabing di ko na kaya
Tumingin ka lang sa langit
Baka sakaling may masumpungan
O di kaya ako'y tawagin
Malalaman mo na kahit kailan
Hawak kamay
Di kita iiwan sa paglakbay
Dito sa mundong walang katiyakan
Hawak kamay
Di kita bibitawan sa paglalakbay
Sa mundo ng kawalan
Minsan madarama mo
Ang mundo'y
Gumuguho sa ilalim ng iyong mga paa
At ang agos ng problema ay
Tinatangay ka
Tumingin ka lang sa langit
Baka sakaling may masumpungan
O di kaya ako'y tawagin
Malalaman mo na kahit kailan
Hawak kamay
Di kita iiwan sa paglakbay
Dito sa mundong walang katiyakan
Hawak kamay
Di kita bibitawan sa paglalakbay
Sa mundo ng kawalan
Wag mong sabihing nag iisa ka
Laging isipin may makakasama
Narito ako oh narito ako
Hawak kamay
Di kita iiwan sa paglakbay
Dito sa mundong walang katiyakan
Hawak kamay
Di kita bibitawan sa paglalakbay
Sa mundo ng kawalan
Hawak kamay
Hawak kamay
Hawak kamay
Sa mundo ng kawalan