Kahit sa'n man ako dalhin
Ng ihip ng hangin
Makita't mahanap ko lang
Ang tahanang para sa'kin
Bawat bundok ay aakyatin
Matanaw ko lang
Darating din ako
Patungo sa iyo
Darating din pangako
Tatahakin ang mundo
Mahanap ka lang
Mahanap ka lang
Aking susundin
Ang mapa ng kalangitan
At bawat bituin na aking madadatnan
Ay aking mamarkahan
Hanggang mahanap ka
Ako'y maglalakbay
Hanggang mahanap ka
Ako'y maglalayag
Darating din ako
Patungo sayo
Darating din pangako
Tatahakin ang mundo
Mahanap ka lang
Mahanap ka lang
Kung sa'n man ako dalhin
Ng aking pangako
Ay aking didinggin
Makapiling ko lang ang puso mo