Pa'no ang puso ko kung wala ka
Mangangarap lang bang nagiisa
Ang makapiling ka'y langit sa akin
Dahil sa pagsuyong naghari sa akin
Nasa'n ka man ngayon
Magingat ka sana yan ang
Tanging dasal ng pusong nagiisa.
Tunay ang 'yong pagibig
Para sa aki'y hanggang langit
Bawat pintig ng puso ay ikaw
Lamang sa bawat saglit
Ikaw ang s'yang ligaya
Tanging pag asa ng buhay ko
At wala ng iba hah...
At sana'y laging di magbabago
Pagibig mo at pagibig ko.
Di ko na kaya ang humanap ng iba
Pagkat ikaw lang ang
Tanging sinasamba
Alam mo ba kapag kapiling ka
Bawat sandali ay walang kasing ligaya
Umiiyak ang puso ko't sumisigaw
Pati ang isip ko't damdamin ay humihiyaw
Buhay kong ito ay walang halaga
Kung ang pagmamahal mo ay mawawala pa
Umiiyak ang puso ko't sumisigaw
Pati ang isip ko't damdamin ay humihiyaw
Pagmamahal mo lang ang tanging pag asa
Di ko kayang mabuhay kung lalayo ka.
Takot na akong umibig
Ayoko ng maging baliw
Ang nakaraang kabiguan
Gusto ko ng kalimutan
Takot na akong magmahal
Ayoko ng masaktan pa
Sapat na sa'kin ang lahat
Di na muna iibig pa
Masaya na'ko sa'king pagiisa
Tama na sa'king ang 'yong alaala
Kahapon nagdaan ayoko ng balikan
Lagi nalang nangangarap
Laging sawi rin naman
Kahapon nagdaan ayoko ng balikan
Ng di ko na maramdaman
Aking kabiguan...