Minsan ay para bang
di ko na makakayanan
Ang mga bawat bagyo, na dumaraan
Ang unos sa dibdib
Ay sadyang ‘di ko mapigilan
Ngunit Ika’y sumabay
sa bagyo ng aking buhay..
Ibinuhos Mo ang pag-ibig Mo
At nilunod Mong
Bawat kirot sa aking puso
Ang Pag-ibig Mo’y parang ulan
Na hindi tumitigil
Kung pag-ibig Mo’y ulan
Ang aking mundo sa tubig ay lulutang
Parang ulan Ikay sumabay
Sa aking bawat pag-iyak
Upang ang aking mga luha
ay ‘di mapansin
Ang unos sa dibdib
Ay tinangay ng Iyong pag-ibig
Ang puso ko’y niligtas
sa bagyong kay lakas
Ibinuhos mo ang pag-ibig Mo
At nilunod Mong
Bawat kirot sa aking puso
Ang Pag-ibig Mo’y parang ulan
Na hindi tumitigil
Kung pag-ibig Mo’y ulan
Ang aking mundo sa tubig ay lulutang
Di Mo ako kailanpaman pinabayaan
Binagyo mong bawat bagyong dumaraan..
Ibinuhos Mo ang pag-ibig Mo
At nilunod mong
Bawat kirot sa aking puso
Ang Pag-ibig Mo’y parang ulan
Na hindi tumitigil
Kung pag-ibig Mo’y ulan
Ang aking mundo sa tubig ay lulutang….
Kung pag-ibig Mo’y ulan
Ang aking mundo sa tubig ay lulutang
oohhhhh……