Ngayon, ang simula
ng hiram mong buhay
Ngayon, ang daigdig mo'y
bata at makulay
Ngayon gugulin mo
nang tama't mahusay,
Bawat saglit at sandali
Magsikap ka't magpunyagi
Maging aral bawat mali
Ngayon, bago ito
ay maging kahapon
Ang pagkakataon
sana'y huwag itapon
Ikaw,
tulad ko rin
ay may dapithapon,
Baka ika'y mapalingon
Sa nagdaang bawat ngayon
Nasayang lang na panahon
Ituring mong kahapo'y
waring panaginip lang
Ang bukas,
pangitain n'yang
ganda'y sa isip lang,
Kung bawat ngayon mo
Sayo ay laging sulit lang
Kayganda ng buhay...
ngayon...
Sa buhay mong hiram
Mahigpit man ang kapit
May bukas na sayo'y
di na rin sasapit
Ngunit kung bawat ngayo'y
dakila mong nagamit
Masasabi mong kahit na
Ang bukas, di sumapit pa
Ang naabot mo'y langit na..
Ituring mong kahapo'y
waring panaginip lang
Ang bukas,
pangitain n'yang
ganda'y sa isip lang,
Kung bawat ngayon mo
sa'yo ay laging sulit lang
Kayganda ng buhay
Bukas mo'y matibay
Dahil ang sandiga'y...
ngayon...
Ituring mong kahapo'y
waring panaginip lang
Ang bukas,
pangitain n'yang
ganda'y sa isip lang,
Kung bawat ngayon mo
sayo ay laging sulit lang
Kayganda ng buhay
Bukas mo'y matibay
Dahil ang sandiga'y...
ngayon....