Kung ayaw mong balikan
Ang iyong mga nakaraan
Paano ka lalayo Pa'no ka tutungo
Sa paglaya ng 'yong puso
Kung ayaw mong pakawalan
Ang galit na nasimulan
Paano ka tatayo Pa'no'ng bigat maglalaho
May paglaya sa pagsuko
Pahilumin mga sugat
'Di ikaw ang iyong nakaraan
Pahilumin mga sugat
Malayo pa ang iyong patutunguhan
Kung ayaw mong simulang
Patawarin ang nakaraan
Paano ka lalayo Pa'no ka tatayo
Ang paglaya'y naghihintay sa 'yo
Pahilumin mga sugat
'Di ikaw ang iyong nakaraan
Pahilumin mga sugat
Malayo pa ang 'yong patutunguhan