Angkin mo ang gandang nakakabighani
Katangiang nasa 'yo'y maiingit sila
Tulad mo ay isang bulaklak sa hardin
Handog ng langit at ako’y inakit
Ngunit bakit ang 'yong ganda'y panlabas lang?
Bumubulag sa gaya kong umiibig sa'yo
Ikaw pala ay rosas na walang bango
Tinik ay bumaon, puso ko'y sinugatan
Sinayang mo, o giliw ko
Mga handog ng Diyos sa'yo
Pagka't ang puso'y mapaglaro
Nilimot ang pag-ibig ko sa'yo
Ngunit bakit ang 'yong ganda'y panlabas lang?
Bumubulag sa gaya kong umiibig sa'yo
Ikaw pala ay rosas na walang bango
Tinik a'y bumaon, puso ko'y sinugatan
Sinayang mo, o giliw ko
Mga handog ng Diyos sa'yo
Pagka't ang puso'y mapaglaro
Nilimot ang pag-ibig ko sa'yo
Sinayang mo, o giliw ko
Mga handog ng Diyos sa'yo
'Pagka't ang puso'y mapaglaro
Nilimot ang pag-ibig ko sa'yo
Nilimot ang pag-ibig ko sa'yo
Sinayang ang pag-ibig ko sa'yo