Sa pag gising ko tila himig mo ang bungad ng araw ko
pag mulat ng mata jusko eto may muta pa ako ugh
teka ano na nga ba
san na ba papunta
lungkot nang buhay koy
talagang grabe na
hanggang saan ba aabot ang panaginip ko
sa isang babaeng umaalon ang kanyang buhok
para bang gusto ko na
tumakas talaga
sa isang bangungot na binuo ko nang mag isa
Habang akoy papatulog na dapat na ng mahimbing
akoy nappraning at napapailing sa
mga bagay na iniisip ko sa tuwing akoy nababato
bakit ganto naninigas ang ulo ko
tumayo nalang bigla ang aking buhok tila ba parang
may isang babae na nakatayo sa sulok
at di na makalagaw ang aking nararamdamdam
na para bang may humahaplos na sa aking mga tiyan
kasabay nitoy hawak ko na ang isang mainit na uhhh
isang tasang kape
bakit ganto ba pre hindi mapakali
sa tuwing akoy nag iisa wala na akong pake
para kang bahaghari
sa liwanag iyong nadali
kung hindi ikaw ang pinangako
mabuti nalang na maging isang pari
sa kamandag na taglay ay grabe
walang sinabe mga babae, sa karilagan, kapag dumaan
kasalanan ko nanaman dahil naakit
sapula mo na labi sana nakatitig ka sa'kin palagi
at sa pagdilat sa umaga tinig mo ang panggising sakin `
na parang pelikula, di na kaylangan mag cinema
Ikaw ang buong istorya, sabay boses mo ang nagsisillbi na musika
sining sa museo na tanging diyos lamang ang nagpinta
nakita kita naparang anghel, para sakin at hindi sa iba
ang hirap na magbida, ang isa na extra,
sa litrato na 'di para sa kanya.