Naaalala mo ba ako
Kahit paminsan minsan
Nalulungkot ka rin ba
na kagaya ko
Bakit nga ba nagkalayo
Tayo sa isa't isa
Nag away sa isang bagay
Na walang halaga
Maligaya ka kaya ngayon
sa 'yong minamahal
Mayroon na kayang pumalit
sa pitak ko, sa puso mo
Nalimutan mo na nga kaya ako
sa piling ng iba
Minsan minsan, sana'y maalala
Di ka ba nanghinayang
Sa naglahong pangarap
Tinalo ang pag ibig
ng pagmamalaki
Maligaya ka kaya ngayon
sa 'yong minamahal
Mayroon na kayang pumalit
sa pitak ko sa puso mo
Di mo ba ako naaalala
kahit minsan minsan lang
Inaamin ko mahal pa rin kita
Sana ay malaman mo
Na mahal mo pa ako
Aking inaasahan
Na bumalik ka na