menu-iconlogo
logo

Luna

logo
Testi
Ikaw ang liwanag sa t'wing madilim ang mundo ko 'pag nalilito

Ang sinag mo'y nagbibigay ng lakas sa tuwing palubog na ako

Hindi ko maitatanggi na kailangan kita

Nandito rin ako palagi kapag may kailangan ka

Tanging langit lang ang nakakaalam

Kung gaano kahalaga

Ang isang tulad mo dito sa 'king mundo

Ikaw lang palaging gustong makasama

Walang katumbas ang bigay mong ligaya

Sa 'yo, sa 'yo lang ako

Pagmamahal na hindi na mababago

Kasama mo lagi hanggang sa dulo ng mundo

Itinadhanang landas natin ay magtagpo

Mga bituin na parang nakatingin sa kalawakan

Habang hawak-hawak ko ang iyong kamay

Na nagsisilbi na aking gabay

Hinding-hindi ko kaya na mahiwalay ka sa akin

Pangako na hinding-hindi ko sasayangin

Ang pagmamahal mo, asahan mo na laging susuklian ko

Pagtingin na 'di na kayang mabago ng kahit na sino

Mananatili lang sa 'yo hanggang sa dulo ng mundo

Ikaw lang, mahal ko (mahal ko)

Lagi mong tatandaan na nandito lang ako

Tanging langit lang ang nakakaalam

Kung gaano kahalaga

Ang isang tulad mo dito sa 'king mundo

Ikaw lang palaging gustong makasama

Walang katumbas ang bigay mong ligaya

Sa 'yo, sa 'yo lang ako

Pagmamahal na hindi na mababago

Kasama mo lagi hanggang sa dulo ng mundo

Ang isang tulad mo dito sa 'king mundo

Ikaw lang palaging gustong makasama

Walang katumbas ang bigay mong ligaya

Sa 'yo, sa 'yo lang ako

Pagmamahal na hindi na mababago

Kasama mo lagi hanggang sa dulo ng mundo

Luna di Dro Perez - Testi e Cover