menu-iconlogo
huatong
huatong
avatar

Tanan

Gloc 9/Lirahhuatong
mikemendoncahuatong
Testi
Registrazioni
Bakit hindi

Ka naman dumating

Sinadyang biguin

Mo ang aking hiling

Bakit hindi mo ako hinintay

Kailangang ibigay ko ang aking kamay

Sa taong hindi ko naman minahal

Ngunit di nag tagal kami ay kinasal

Bakit hindi

Ka naman dumating

Sinadyang biguin

Mo ang aking hiling

Alam kong hindi boto sakin ang iyong mga magulang

Kasi kung ano mang meron akong kokonti ay kulang

Perang laman ng pitaka ko ay kay bilis mabilang

Sasahod nako sa lunes kaya puwede nang mangutang

Pero kahit langit kat lupa ako alam mo

Ngayon lamang ako nag lakas loob ng ganito

Lalo na nung naramdaman kong may pag asa ako

Pakiramdam ko ay kayang kaya kong buhatin ang mundo

Ayun na nga pinayagan mo akong sunduin kita

Hawakan ang iyong kamay kahit nakatingin sila

Kitang kita ko ang aking saya sayong mga mata

Wala tayong pakialam sa sasabihin ng iba

Tuwang tuwa ka sa mga regalo kong di mamahalin

Kahit na sa mumurahin ay sabay tayong kumakain

Akoy nag papasalamat kahit na di madasalin

Pero bakit nag iba yata ang ihip ng hangin

Hanggang isang araw parang iniiwasan mo ako

Hindi na kita masilayan kahit na sa bintana nyo

Ilang linggo ang lumipas

Nagbakasali ako

Buti nalamang at sinagot mo na rin ang tawag ko

Bakit ka umiiyak ano bang dahilan

Parang awa mo na Susan sabihin mo naman

Narito ko para sayo kahit na ano pa yan pero

Di ko inasahan ang kanyang naging kasagutan

Gusto akong ipakasal ng aking ama sa iba

May hihilingin ako sayo sana ay pumayag ka

Bago mag simbang gabi dun sa lumang talipapa

Sasama na ako sayo basta hihintayin kita

Dali dali akong umuwi hinakot ang damit

Dalawang maong limang kamiseta kaso isay punit

Ngunit ang mundoy sadya nga yatang napaka lupit

Dahil kaming dalaway di na magkikita pa ulit

Bakit hindi

Ka naman dumating

Sinadyang biguin

Mo ang aking hiling

Bakit hindi

Mo ako hinintay

Kailangang ibigay ko ang aking kamay

Sa taong hindi ko naman minahal

Ngunit di nag tagal kami ay kinasal

Bakit hindi

Ka naman dumating

Sinadyang biguin

Mo ang aking hiling

Patawarin mo ako kung nag hintay ka ng matagal

Inabot ka na ng lamig ngipin moy nangatal

Parang tarak ng kutsilyo na hindi mo matanggal

Yan ang sakit pag tinalikuran ka ng iyong Mahal

Mabuti na rin yun siguro kasi tingnan mo naman

Maayos ang iyong buhay at inyong kinalalagyan

Sunod sa layaw ang inyong tatlong anak may laruan

Hindi ko kayang ibigay ang ganyang karangyaan

Ang meron lamang ako dito ay pag ibig na tunay

Babantayan ka habang ikay nag gagayat ng gulay

Suot ang bigay kong duster

Luma nat kupas ang kulay

Ng telang kasing lambot ng buhok mo na naka lugay

Sa gabi alam kong hindi ka nya pinapansin

Ayaw ka nyang alagaan pero bakit inaangkin

Parang isda na bilasa sa palengke mumurahin

Doon ka nya hinahambing

Tuwing ikay naglalambing

Bakit hindi

Ka naman dumating

Sinadyang biguin

Mo ang aking hiling

Bakit hindi

Mo ako hinintay

Kailangang ibigay ko ang aking kamay

Sa taong hindi ko naman minahal

Ngunit di nag tagal kami ay kinasal

Bakit hindi

Ka naman dumating

Sinadyang biguin

Mo ang aking hiling

Ayaw ko na sanang sabihin sayo ang mga ito

Pero baka ito ang susi ng katahimikan ko

Nong gabing magkikita tayo

Papunta na ako

Kaso dinukot ako ng mga tao ng Ama mo

Ginapos akot itinago sa tambakan ng gulong

Pinag hatian ang baon nating bibingkat puto bungbong

May piring aking mata

Nang marinig ko ang bulong

Isang malakas na putok ang sa ulo koy dumagundong

Tumatagas ang alaala kinaladkad sa Paa

May isa tiningnan pa kung di nako humihinga

Puwing na lupa at bato sa aking mga mata

Bakit ito ang sinapit at napunta ka sa iba

Lagi mo akong kasama masaya narin ako

Na may isang natupad sa mga kahilingan ko

Marahil ay nag tataka bakit alam ko lahat to

Ang bangkay koy nakalibing sa ilalim ng bahay nyo

Altro da Gloc 9/Lirah

Guarda Tuttologo

Potrebbe piacerti