Marahil iniisip nyo kung anong kalseng awiting ang inyong maririnig
Mga kakaibang awitin na hango sa buhay ng isang tao na kung tawagin ay si gloc 9
Sir gloc! may sasabihin lang ako
Elementarya palamang ay kinahiligan ko na
Tumula sa harap bawat salita’y kinabisa
Laging kasali sa paligsahan sana pumasa
Dala dala ang mga letra magdamag kong ginawa
Pagtapak ng secondarya ay doon ko nadama
Kakaibang angulo para sa aking mga likha
Doon ako namulat - isang makatang - buhat
Mga tulang sinulat - sa kanta mo inu-ulat
Mula noon hanggang ngayon patuloy pagboon
Ikaw nagbigay ng tubig sa aming mga balon
Simpleng tao’ng may tugon - di lahat ng panahon
Sumikat man si pepe wag nyong kalimutan lumingon
Wag kang magpapapigil, sabihan mang inutil
Kahirapan ay di hadlang para pangarap mo’y itigil
Umahon sa kumonoy ang paglakad ay ituloy
Makakaraos ka din sa lahat ng panaghoy
Salamat sa lahat ng mga kanta mong inalay
Kahit paulit-ulit pakingan tenga’y di na ngalay
Bawat letra’y sina-ulo ko na para bang si raul ito
Kahit si elmer ikaw bukod-tanging inidolo
Pasensya na aking mahal di naman ako magtatagal
Sabi ni lando sa kanyang pinaka mamahal
Kwento ng buhay ni luisa at mang berto
Hanggang sa pag lathala ng mali sa ating gobyerno
Akin na ngang martilyo sila’y panay pangako
Pukpukin nga yang ulo ng duwag na aso
Pa ulit-ulit nalang wala namang nagbabago
Pag asensong minitmithi unti-unting naglalaho
Bawat letra’y di bumabara metrong mong di kumakapa
Lahat ng iyong awitin akin ng nakabisa
Kahit kulang aking matrikula diretso parang makina
Magtanim ay di biro wag mong hamakin ang magsasaka - ling
Mapakinggan mo etong aking kanta
Ito’y aking takdang aralin mula pa nung umpisa
Sayo lahat ng simula ikaw ang nagsilbing punla
Sinalop ko lahat ng mga letra sa batya
Isang batang taga rizal na laging nagdarasal
Aristole samalat sa paghukay ng bagong bukal
Na naghuhubog sa isip mga batang na may pangarap
Na kahit na anong magyari wag kang bibitaw sa yakap