Hindi ko ginusto ang
Ilayo ako sayo mahal
Ngunit ito ang desisyon
Ng tadhana at may kapal
Alam ko din ako'y
Magtatagal sa lugar na to
Na kung saan wala ka
Kaya kulang kulang ako
Hindi lang araw hindi lang
Buwan kundi ilang taon
Tayo ay di magkikita makakaya ko ba yon
Sa tingin ko hinde hindi ko kaya
Dahil ako'y mamamatay kapag wala ka
Wala ka na dito sa aking tabi
Kaya di na mapigil ang luha
Gusto kitang makapiling mayakap
Mahalikan yun lang di ko pa makuha
Dahil ilang kilometro at milya ang
Ating distansya at ating pagitan
Pangungulila ko sa iyo yan ang
Resulta ng aking biglaang paglisan
Di ito madali para sayo ngunit
Mas hindi madali to para sakin
At alam kong hindi tayo magkakalapet
Kahit sa isang libong dalangin
Nadadama ang lungkot at puot
Hinagpis at ang pagkabigo at pasakit
Ngunit gaano ka man kalayo saking
Puso palagi ka ditong malapit
Inisip ko kung bakit ganito ang langit
Nilayo ako sayo
Hindi ko matanggap mahirap magpanggap
Na ako'y hindi bigo
Ngunit di ko rin
Inaasahang mangyayari to
Kung ikaw ay alaala nalang paano na ako
Binibilang ang mga araw
Hanggang saking pagalis
Habang palapit ng palapit
Lalo akong nagtitiis
At tinatago ang namumuong
Lungkot saking damdamin
Di mo lang alam di ko na
Kaya di ko lang maamin
Dahil sabi mo sa akin
Masaya ka para sakin
Di mo lang alam ako'y
Nalulungkot na para satin
Dahil tayo'y magkakalayo
Ng walang kalaban laban
Ang masakit pa doon kung
Kelan pa tayo nagmamahalan
Nagmahalan tayong dalawa
Ngunit bakit ito naging plano
Ng kapalarang naging malupet
Ako'y inilayo sayo ng eroplano
Habang ako'y nasa himpapawid
Ako'y nakatingin sa mga alapaap
At iniisip na sa alaala nalang
Ba kita muling makakayakap
At sa gabi nakatitig sa mga
Larawan na katabi ko saking kama
Nakatingin at tinatanong dito
Na lamang ba tayo magkakasama
Nasa malayo na ang aking
Katawang tao at parang pinipilas
Dahil puso ko'y naiwan
Jan sayo sa pilipinas
Inisip ko kung bakit ganito ang langit
Nilayo ako sayo
Hindi ko matanggap mahirap magpanggap
Na ako'y hindi bigo
Ngunit di ko rin
Inaasahang mangyayari to
Kung ikaw ay alaala nalang paano na ako
Ang pilitin kong limutin
Na sa buhay ko'y wala sya
Ay parang pilit sinusuot
Singsing na hindi kasya
Dahil habang pinipilt
Mas sumasakit ng todo
Kaya buhay ko ay parang
Musikang wala sa tono
Di ba pwede naman
Magsama ang nagmamahalan
Di ba pwede naman
Wala na din ang hiwalayan
Di ba pwede naman
Sa pagibig walang hadlang
At pwede ba sya ay ibalik nalang
Walang matarik na bundok
Walang karagatang malalim
Na aking tatawirin
Maibalik ka lang sa akin
Dahilan kung bat nabuhay
Sakin ang pagkasawi
Ay ang pagibig nating
Tamang nasa oras na mali
At sana wag mo palitan
Jaan sa puso mo pangalan
Ng lalake na nagsabe
Na "mahal kita paalam
At magingat palage" noong aalis na sya
At higit sa lahat "mamimiss kita"
Inisip ko kung bakit ganito ang langit
Nilayo ako sayo
Hindi ko matanggap mahirap magpanggap
Na ako'y hindi bigo
Ngunit di ko rin
Inaasahang mangyayari to
Kung ikaw ay alaala nalang paano na ako
Paano na ko mamumuhay nito
Kung sa piling ko ay nawala
Ang nagiisang minahal ko makasama
Ko sya ay isa nalang bang himala
Alam ko na sa oras na to ay nakikinig
Kang pinipigil mo ang pagiyak
Sige ilabas mo wag pigilin ang
Emosyon ng iyong puso na nagkabiyak
Dahil ang alaala nating dalawa
Ay nagiwan ng sugat na nakamarka
Sino ba naman ang hindi masasaktan
Kapag nalayo ang tao na mahal ka
At kung minsan naisip ko din na wag
Nang ituloy itong nagawa ko na kanta
Dahil malamang pag narinig ko
Ito sigurado na maaalala kita
Pero kahit pilitin umiwas sa sitwasyon
Naten ay kusang bumabalik ang
Mga nakaraan kaya titulo ng
Kanta ko ngayon ay alaala nalang
Dahil sa alaala nalang umiikot
Ang aking isipan na nalilito
At prisensya ng pagmamahal mo sa
Akin ay dala ko lagi at naririto
Hindi man kita nabigyan ng materyal
Pero di mo alam may iniwan ako
Ito ang isang bagay na di maluluma
Yun ay ang pagmamahal ko sa iyo
Sana pagkaingatan mo yan hanggang sa
Oras na ikaw ay muli kong balikan
Dahil ipinangako di na ko iibig
Sa puso ko di ka mapapalitan
Inisip ko kung bakit ganito ang langit
Nilayo ako sayo
Hindi ko matanggap mahirap magpanggap
Na ako'y hindi bigo
Ngunit di ko rin
Inaasahang mangyayari to
Kung ikaw ay alaala nalang paano na ako