menu-iconlogo
logo

Tutulungan Kita

logo
Testi
Halata ang lungkot sa iyong mga mata

Kahit di mo sabihin aking nadarama

Ang paglayo niya huwag mong ipagdamdam

Mabuti nga't nalaman siya'y salawahan

Karamay mo ako kahapon at ngayon

Asahan mong bukas, ako'y naroroon

Naroroon ako habang ako'y buhay

Katulong mo at sa iyo'y nagmamahal

Tutulungan kitang malimot mo siya

Ibabalik ang dati mong sigla

Aking gagamutin puso mong sinugatan

Sugat na dulot niyang salawahan

Halata ang lungkot sa iyong mga mata

Kahit di mo sabihin aking nadarama

Ang paglayo niya huwag mong ipagdamdam

Mabuti nga't nalaman siya'y salawahan

Tutulungan kitang malimot mo siya

Ibabalik ang dati mong sigla

Aking gagamutin puso mong sinugatan

Sugat na dulot niyang salawahan

Tutulungan kitang malimot mo siya

Ibabalik ang dati mong sigla

Aking gagamutin puso mong sinugatan

Sugat na dulot niyang salawahan

Malilimot mo siya

Tutulungan kita