Palaging uunahin ang sarili
Sana ay matagpuan kapayapaang hinahanap
Palaging mong unahin ang sarili
Mga kwento kada tao laging magkakaiba
Sa buhay natin minsan ay mapapa-tangina
Palaging uunahin ang sarili
Palaging uunahin ang sarili
Sana ay matagpuan kapayapaang hinahanap
Mangyari ang lahat ng binabalak
Basta palagi mong unahin ang sarili
Palagi mong unahin ang sarili
Yeah, yeah
Kada hakbang, pasulong
Ingat lang, wag pahadlang sa bulong
At mga usap-usap ng mga nagmamarunong
Dyan sila nagkakagulo
Pataasan ng lipad
Pataasan ng ihi
Sino ang mas sikat?
Sinong mas kawili-wili?
Imbis magtulungan payabangan nasa isip
Sawa na ako diyan, tapos nang maging makitid
Kaya
Kapayapaan sa sarili ang hinanap sapagkat
Yun ang pinakamabisa na sangkap
Lalo pag
Dama mong lahat ng pagod mo hindi pa sasapat
Balang araw magbubunga yan lahat
Pag nadapa paulit-ulit, edi bangon (edi bangon)
Walang maglalayag na di hinahampas ng alon
Natural na malungkot at malugmok
Wag ka lang magpapalamon (papalamon)
Gawin mong aral mga dinanas mong kahapon
Mga kwento kada tao laging magkakaiba
Sa buhay natin minsan ay mapapa-tangina
Palaging unahin ang sarili
Palaging uunahin ang sarili
Sana ay matagpuan kapayapaang hinahanap
Mangyari ang lahat ng binabalak
Basta palagi mong unahin ang sarili
Palagi mong unahin ang sarili
Para san pa ba ang makipag talo
Kung pareho nating plano ay magkalaman ng plato?
Para san
Para san pang ipalo ang kamao sa mukha mo?
Kung sa buhay ay pareho tayo ang bugbog sarado
Para san pang siraan mga buhay ng katoto mo
Kung alam na nating dalawa ano ang totoo?
Disenyo netong kwento'y
Buhay na walang diskwento
Eskinita ang engkwentro
Habang buhay bumebwelo
Kahirapan ang hambalang sa atung dinadaanan
Daming pinaglalaban habang tayo'y pinaglalaban
Inano mo, inapi
Ang tinamo ng iyong katabi
Nawalan lang kayo ng salapi
Dahil iba ang nakinabang
Pag napagod, magpatuloy lang, pag-apak sa hagdan
Upang mga mahal sa buhay matagal pang mamasdan
Ang pagmamahal para asking sarili yayakapin, hahagkan
Hanggang maabot ang kapayapan at buhay na walang hanggan
Tao laging magkakaiba
Sa buhay natin minsan ay mapapa-tangina
Palaging unahin ang sarili
Palaging uunahin ang sarili
Sana ay matagpuan kapayapaang hinahanap
Mangyari ang lahat ng binabalak
Basta palagi mong unahin ang sarili
Palagi mong unahin ang sarili
Kada tao laging magkakaiba (magkakaiba)
Sa buhay natin minsan ay mapapa-tangina (papa-tangina)
Palaging uunahin ang sarili (laging unahin)
Palaging uunahin ang sarili
Sana ay matagpuan kapayapaang hinahanap (hinahanap)
Mangyari ang lahat ng binabalak (binabalak)
Basta palagi mong unahin ang sarili
Palagi mong unahin ang sarili (ang sarili mo)
Palaging unahin
Palaging unahin