Layunin kong iligtas ang nilalaman ng isipan ko Sasapat na nga ba'ng lahat ng ito kung determinado nga pero di naman makabasag ng plato
Dami nag tanong bat to ang gusto
Tahakin na landas, halika rito takbo ng utak ko ay malayo sa iyo
Maniobra palayo sa kakitirang yon
Kargadot napuno na rin ng galit to pero di ako mag papalunod sa lait nyo
Patuloy ang andar kahit na bali baliko
Saking daaanan, sumpang to ay mababali ko ano bang sabi ko?
Determinado, walang makakapigil di terminado
Aking sentido bumabasag ng mga bungo
Eto nang huling bersikulong maririnig mo galing sayong berdugo
Katumbas ako ng dalawa na ipo
Bawat suntok ay may bigat na mala hippo
Kahit si aeolus di ako mahipo
Pag nag dempsey roll bira mo'y sa anino
Musika lang aking bisyo ang natatanging ambisyon
Kahit anumang opinion hinding hindi malilipol
Lahat isasakripisyo
Hindi kelangang abiso ng kahit na sino
Heto nang aking pag sibol
Layunin kong iligtas ang nilalaman ng isipan ko Sasapat na nga ba'ng lahat ng ito kung determinado nga pero di naman makabasag ng plato
Di ako isang anito
Ako'y di hamak lang na isang mortal nga na bagito
Apoy ko'y imortal, di halintulad sa Palito
Nagpapalit 'to ng anyo 'pag nakipag basag-ulo
Mga pabibo panigurado
Matutusta, tyak sunog sakin ako ang
Prometheus ng musika, tapos ka faya lahat pag lumikha, mainit init pa, kaya sige pabibo pa lemme drop the B.
Time for me to Eat MC
Determinado,
Walang makakapigil
Di terminado
Aking sentido
Bumabasag ng mga bungo
Eto na'ng huling bersikulong
Maririnig mo galing sa'yong berdugo
Balisa, 'lang humpay sa paghuhukay ng mga tula
Sa bahay ng saysay parang tarantulang nalulumbay kahihitay ng pusang galang magtangkang hamakin ang aking buhay
Di mo maidedeny aking taglay
Kahit pa umabot ang paglakad ko ay pasuray suray
Habang buhay maglalakbay patungo saking pangarap na kailan pa man ay 'di mamamatay
Di mamatay, laging mananalaytay ang enerhiyang aking ibibigay
Baybay lang kayang silayan 'pag ang puso't utak ay hindi magkaugnay
Di ko kailangan ng lamay, akin na nga yang tinapay Tigilan mo'ng kakahukay, lumayas ka saking bahay Kung isip ko'y di rin tunay, 'lang saysay magbigay pugay
Matagal na 'kong patay kung di lang determinado
Determinado
Ako ay determinado
Isip ko'y determinado
Determinado
Ako ang iyong berdugo
Layunin kong iligtas ang nilalaman ng isipan ko
Sasapat na nga ba'ng lahat ng ito kung determinado nga pero di naman makabasag ng plato