Paano ba pipilitin?
Paano ba gigisingin?
Isang natulog na
at nasawing damdamin.
Nais ko mang buhayin,
pag asang mithi pa rin.
Bakit ayaw ngumiti,
nitong aking damdamin?
Paano ba sasabihin,
na wala ng pagtingin.
Kahit aking pilitin
puso’y namamanhid pa rin.
Ano kaya ang gagawin,
ng pusong sawa na rin.
Ngayong bumabalik ka na’y,
walang maramdaman giliw…
‘Pag tumigil ang tibok
ng puso kong bigo.
Pilitin ko mang ibigin ka
ay hindi ko na kaya.
Bakit kasi sinaktan mo
ako ng labis labis.
Ngayo'y wala na nga..
Pag ibig na laan sa’yo…
Sana...
Bakit ba pipilitin?
Ano ang aking gagawin?
Pagmamahal sa iyo dati’y,
hindi naman pinapansin…
‘Pag tumigil ang tibok
ng puso kong bigo.
Pilitin ko mang ibigin ka
ay hindi ko na kaya.
Bakit kasi sinaktan mo
ako ng labis labis.
Ngayo'y wala na nga..
Pag ibig na laan sa’yo…
Sana...
Ngunit kung dumating
ang panahong gumising na.
Nananahimik na damdamin,
ay muling buksan pa...
Sana ay naghihintay ka pa rin,
sa akin sinta.
Kasi nama’y alam mo ring..
minahal kang...
Talaga...
‘Pag tumigil ang tibok
ng puso kong bigo.
Pilitin ko mang ibigin ka
ay hindi ko na kaya.
Bakit kasi sinaktan mo
ako ng labis labis.
Ngayo'y wala na nga..
Pag ibig na laan sa’yo…
Sanaaaa...
Sana’y tumibok muli…
Ang puso kong ito…
Sana...