menu-iconlogo
huatong
huatong
avatar

Kahit na sa Sulok lang ng Iyong Paraiso

Kuya Daniel Razonhuatong
KimSaleBacerhuatong
Testi
Registrazioni
Kahit na sa sulok lang ng Iyong Paraiso

Basta’t Ikaw ay kapiling sa banal na Bayan Mo

Hindi sapat pagtitiis sa buhay na ito

Upang maitumbas sa kaluwalhatian Mo

Naghihintay, nanabik, sa Iyong pagbabalik

Isang libong taon, laging nasa isip

Abutin man ako ng aking pagpikit

Umaasang ididilat, sa unang pagtindig

Pagibig Mo’y siyang gabay, sa tuwina’y aalalay

Ikaw ang patnubay, sa ‘king paglalakbay

Laging nakabantay, hawak aking kamay

Upang hindi mapawalay, sa ‘Yong pagmamahal

Kahit na sa sulok lang ng Iyong Paraiso

Basta’t Ikaw ay kapiling sa banal na Bayan Mo

Hindi sapat pagtitiis sa buhay na ito

Upang maitumbas sa kaluwalhatian Mo

Salamat ang tanging ganti, dahil Ikaw ay mabuti

‘Di Ka nagtatangi, anoman ang lahi

Ako’y kinandili, tinawag, pinili

Ang alay na pagpapuri ang maisusukli

Kahit na sa sulok lang ng Iyong Paraiso

Basta’t Ikaw ay kapiling sa banal na Bayan Mo

Hindi sapat pagtitiis sa buhay na ito

Upang maitumbas sa kaluwalhatian Mo

Hindi sapat pagtitiis sa buhay na ito

Upang maitumbas sa kaluwalhatian Mo

Upang maitumbas sa kaluwalhatian Mo

Altro da Kuya Daniel Razon

Guarda Tuttologo

Potrebbe piacerti