Minsan, isang araw
Puso'y napasigaw
Nahulog sa iyo
'Di ko na matanaw
Pangangatwiran ko'y
'Di na mapagkatiwalaan.
Umasa sa iyo
'Di na mabibitawan
Na baka sakali lang
'Di na masasaktan
Ngunit pangangatwiran
Mo'y 'di mapagkatiwalaan..
Kaya't pipikit na lang....
Tagu taguan, maliwanag ang buwan
Masarap magmahal 'pag hindi iniwan
Pagbilang mong tatlo
Nakatago na ako
Ibalik ako sa nakaraan.
Langit ang natanaw
Pangarap ay ikaw
Lupa ang nagbigay
'Di nakapaghintay
Sana nagpatintero
At naiwasan ang impiyerno...
Kaya't pipikit na lang.
At baka sakali lang...
Tagu taguan, maliwanag ang buwan
Masarap magmahal 'pag hindi iniwan
Pagbilang mong tatlo
Nakatago na ako
Ibalik ako sa nakaraan...
Pagdating sa dulo
Ako'y nasaktan mo
Sinubukang 'paglaban
Sigaw ng puso ko
Ngunit ba't pipilitin
Ang 'di naman para sa akin?
Tagu taguan, maliwanag ang buwan
Masarap magmahal 'pag hindi iniwan
Pagbilang mong tatlo
Nakatago na ako
Ibalik ako sa nakaraan...
Tagu taguan, maliwanag ang buwan
Masarap magmahal 'pag hindi iniwan
Pagbilang mong tatlo
Nakatago na ako
Ibalik ako sa nakaraan...
Nu'ng 'di pa naiwan
Nu'ng 'di pa naiwan
Nu'ng 'di mo iniwan
Hmmm....