menu-iconlogo
logo

2020 Freestyle

logo
Testi
8 beats yeah 'tol lakasan ang beat yeah okay 'tol pati 'yung snare 'no hindi ko marinig

Uh yeah 'yan 'yan 'yan 'yan check uh

Sus por vida bawal dito ang pabida dahil ang tunay na bida dito ay ang kontrabida

Sa mga zombie na pumutakte ng beat ng pangako ang masasabi ko ay gamsahamnida

Sa mga tropa na nag-aakalang nakalimot ako kumusta kayo busy lang po

May sari-sarili na tayong daan takits sa finals

Mas gagalingan ko sana'y gano'n din kayo yeah

'Tol disyembre na mula nu'ng enero hanggang ngayon ba nakikinig ka pa

Walang pilitan ang mahalaga ika'y humihinga

Bad trip ang dami nang trip na nakansela dahil sa corona

Maliban d'yan ang mga bara ko'y sick at bawat flow parang pangkoro na

Nagiging berde mga dura kong ibinubuga dahil sa musika buhay ko'y nagkailaw na

Kung dati nangangapa pa dilim dis-oras ng gabi si Ann ay madalas akong abutang gising

Sabay yakap sa 'kin pare gano'n s'ya kalambing alam mo na walang kahambing

Thank you for this angel God nag-igib ka ng biyaya parang binuhos mo sa 'kin lahat

Sabay sabi sa 'kin 'di pa daw ito sagad

Ayokong umasa kaya 'di mo 'ko makikitang tatamad-tamad

Oh reyalidad mas masarap kumain sa hapag-kainan 'pag mayro'n kang ambag

Sa pasko busog ang pamilya ko at mayro'ng dumagdag

Another angel sent by you my ninja from above 'tang ina english 'yon

Bisag mag-cebuano pa ko diri ug walay bendisyon

Wala ko'y labot ninyo noy 'yan aking propesyon at hinihigitan ko lang ang dati kong bersyon

Real talk this is not a diss song it's just a real song man

Yo alam kong maraming nagbago pero hindi ako 'yon

Kamusta na sa mga dati kong kasama 'yung iba'y naniwala 'yung iba'y tumawa

Buhay teleserye kaya punong-puno ng drama sa dami na ng mali pinagbayaran ko ang karma

Lahat kayo ay alaala sa utak ay malinaw kasama ko kayo nu'ng ang ugali ko'y halimaw

Utak gamugamo kaya namatay sila sa ilaw pagkatao 'di barya kaya hindi ako nasilaw

Dati bote ng ginebra ang puhunan ko never say die kahit pa sa kangkungan 'to

Inakyat ko ang pangarap nakakalula bro pero hindi pera sagot sa kalungkutan ko

At ilang beses nadapa ilang beses nabigo nakapasok sa palasyo bago isara pinto

Pakiramdam ko ay hari nabalutan ng ginto

Biyaheng tagumpay na 'ko papa'no pa 'ko hihinto ugh

Uh alam n'yo na kung sino 'to walang iba ha ha yeah

Uh inulan ng pagsubok ngayong taon pero hindi pumayag na ang sarili'y mabaon

Kulong sa bahay muntik na 'kong matuluyan

Naglabas ng tatlong album upang kayo'y matulungan tila gasolina mga awit pampagana

Sabi ko walang titigil 'gang bulsa magang-maga na hindi rin napabagal kahit bawal lumabas

At kahit na ilang bagyo pa ang sa akin humampas

Lahat ay naging basic dahil sa pinagdaanan laway lang puhunan kaya ako'y pinagtawanan

Ngayon lahat nagulat mga utak naimulat literal naging papel ang mga naisulat

Bangko hindi binuhat bagkos nang-inspira panoorin aking buhay no need ng eksplika

24 oras tunay araw-araw gabi mensahe ko sa may ayaw sa akin ngayon tabi

At nag-antay ng mahigit isang dekada tinayuan ng pundasyon at barikada

Mag-isang hinalo tubig buhangin semento at pati ang graba

Sinakripisyo lahat maabot lang ang mga tala salamat sa humanga

Salamat sa mga pasikretong humihila sa 'kin pababa

Ngayon kumikinang ako akala n'yo himala ang tunay na diyamante 'di nababaon sa lupa

Pamamaraan ko ay laging tama naniniwala ba ako sa gaba hindi na

Kahit pinatay ko ang laro nu'ng nakaraang taon pati ngayon animo'y nagpalaganap ng corona

Dati gusto kong maging emcee sa fliptop dati gusto kong maging artifice

Maging ng flipmusic I can prove it at the voice philippines

Putang ina buti na lang mayro'ng wish 107.5

Again man this is not a diss song it's just a real song