Gusto kita na ligawan kaso natatakot ako
Kapag inamin ay baka layuan
Lubos kasi 'kong tinamaan
Oo, nabighani ako
Tuwing aaminin ay kanakabahan
Kukuha muna ng bwelo (bwelo)
Hahanap ng bwelo (bwelo)
Maghihintay ng tamang bwelo (bwelo)
Kung kelan ko 'to aaminin sa 'yo ohh
Unang kita ko pa lamang
Nabighani na sayo gusto kang makilala
Yung dating malungkutin na lalaki
Na tahimik lang palagi
Ikaw lang ang nagbigay ng gana
Kaya natutong mag-ayos ng mag-ayos
Nagsisimba pag sunday naging maka-Diyos
Ganyan ang 'yong epekto
Di naman sa nambobola ako
Lahat ng to'y para sayo
Kaso wala 'kong lakas ng loob
Kanta palang ang kayang ihandog
Kapag nandiyan kana 'di na mapakali
Puso ko'y laging kumakalabog yeah
Ayoko din na madaliin
Dinadaan muna sa ligaw tingin
Kukuha muna ng bwelo (bwelo)
Hahanap ng bwelo (bwelo)
Maghihintay ng tamang bwelo (bwelo)
Kung kelan ko 'to aaminin sa 'yo ohh
Kukuha muna ng bwelo (bwelo)
Hahanap ng bwelo (bwelo)
Maghihintay ng tamang bwelo (bwelo)
Kung kelan ko 'to aaminin sa 'yo ohh
Kaya ayoko nalang na maging torpe
Kasi natagpuan ikaw lang na gusto
Hindi ko na kailangan pa na mamili
Kung iisa kalang aking pinu-pursue
Ayoko naman na laging ganto
Pag nandiyan ka walang kibo
Tulala pag walang napapala
Araw-araw yan ang problema
Hanggang kailan kaya magkaka-lakas loob sabihin sayo
Ikaw na nga hinahanap ko
Pano ko ba sasabihin 'to
Nangangambang ika'y lalayo
Kapag sinabi ko tinatago ng pusong ito
Hindi ko alam pano ko sasabihin
Nilalaman ng aking puso't damdamin
Taglay mong ganda daming nahuhumaling
Malabo na yatang ika'y mapasakin
Akin na bang aaminin
Akin nalang bang lilihim
Ang aking tunay na nadarama
Na ikaw aking gustong kapiling
Pano kung gusto mo rin ako?
Eh pano kung hindi yun totoo?
Aking isipan gulong-gulo
At ang tanging malinaw ikaw ang gusto
Natatakot na baka 'di mo matanggap
Kahit na ibigay ko sa 'yo ang lahat
Baka sa 'yo 'di pa 'ko sapat
Gusto kita na makasama
Tumanda, mapangasawa
Yan ang tangi na hinihiling ko
Pero pano mangyayari
Kung hindi ko to masabi
Magawang ipagtapat nadarama ko sa 'yo
Kukuha muna ng bwelo (bwelo)
Hahanap ng bwelo (bwelo)
Maghihintay ng tamang bwelo (bwelo)
Kung kelan ko 'to aaminin sa 'yo ohh
Kukuha muna ng bwelo (bwelo)
Hahanap ng bwelo (bwelo)
Maghihintay ng tamang bwelo (bwelo)
Kung kelan ko 'to aaminin sa 'yo ohh
Kumakabog-kabog ang puso ko
Panay-panay din ang sulyap sa 'yo
Naghahanap ng tsempo
Hindi maka-bwelo
Kung pano sasabihin 'to sa 'yo
Ikaw lang ang babaeng
Bumighani sa aking mga mata
Sa 'yo lang naisipan na pumorma
Kahit na mukhang tanga
Gusto na mapansin mo ako
Pano ba aaminin sa 'yo
Ang nararamdaman kong ito
Kung hindi maka-bwelo
Hindi maka-bwelo
Kukuha muna ng bwelo (bwelo)
Hahanap ng bwelo (bwelo)
Maghihintay ng tamang bwelo (bwelo)
Kung kelan ko 'to aaminin sa 'yo ohh
Kukuha muna ng bwelo (bwelo)
Hahanap ng bwelo (bwelo)
Maghihintay ng tamang bwelo (bwelo)
Kung kelan ko 'to aaminin sa 'yo ohh
Hindi maka-bwelo ohh