Doon ka
Dito ako
Hindi… magkatagpo
Tawag ko'y
Di marinig
Ba't kay layo mo…
Lapitan man
Ay di mo matanaw
Bingi't bulag sa akin ay
Walang… pakiramdam
Sayang…
Na pagmamahal
Paano nang pag-ibig kong
Walang hanggan
Sana'y maghintay…
Ang walang hanggan
Hanggang makilala mong
Ako ang iyong mahal
Baka ko matutuhan
Kita'y kalimutan
Baka pangako ko'y
Dumating sa kailanman…
Sana'y maghintay…
Ang walang hanggan
Sana ang iyong paglingap ay
Muli kong matikman
Subalit kung paglimot
Ay 'di… mapigilan
Alalahanin mong…
Kaytagal kitang…
Hinintay…
(BITUING WALANG NINGNING)
Kung minsan
Ang pangarap
Habambuhay itong…
Hinahanap
Bakit nga ba…
Nakapagtataka
'Pag ito ay nakamtan mo na
Bakit may kulang pa
Mga bituin
Aking narating
Ngunit langit ko pa rin
Ang iyong piling
Kapag tayong…
Dalawa'y naging isa
Kahit na ilang laksang bituin
'Di kayang pantayan
Ating ningning…
Balutin mo ako
Ng hiwaga ng iyong…
Pagmamahal
Hayaang…
Matakpan ang kinang
Na 'di magtatagal
Mabuti pa kaya'y
Maging bituing walang ningning...
Nag kukubli sa liwanag at
Kislap…
Ng ating…
Pag-ibig…
(SANA'Y WALA NANG WAKAS)
Sana'y wala nang wakas
(Sana'y wala nang wakas)
Kapag hapdi ay lumipas
Ang mahalaga
Ngayon ay pag-asa
Dala ng pag-ibig
Saksi buong daigdig
(Saksi buong daigidig)
Kung di malimot ng tadhana
Bigyang-tuldok ang ating ligaya
Walang hanggan ay hahamakin
Pagka't walang katapusan
Kitang iibigin
Kahit… na ilang tinik
Ay kaya kong tapakan
Kung 'yan ang paraan
Upang landas mo'y masundan
Kahit ilang ulit
Ako'y iyong saktan
Hindi kita…
Maaaring iwanan…
Kahit ilang awit
Ay aking aawitin
Hanggang ang himig ko'y
Maging himig mo na rin
Kahit ilang dagat
Ang dapat tawirin
Higit pa riyan…
Ang aking gagawin...
Di lamang
Pag-ibig ko…
Di lamang
Ang buhay kong…
Ibibigay....
Sa ngalan ng pag-ibig mo
Higit pa riyan…
Aking mahal…
Ang alay…
Ko.....