Akala ko'y habangbuhay tayo 
Akala ko'y hanggang dulo 
Kay haba pa ng kalsada 
Dito na ba tayo bababa 
Kung ganito na nga ba'ng usapan 
Kung dito na ang hangganan 
Dapat sigurong iwasan 
Ang mga minsang kamustahan 
Mga nakasanayan 
Dapat ng kalimutan 
Upang di tayo magkasakitan 
Hanggang dito na lang 
Hanggang dito na lang 
Ikaw ba ang nagbago o ako o tayo 
Baka tayo 
Hanggang dito na lang 
Hanggang dito na lang 
Kung tunay ang paalam 
Wag ka ng magparamdam 
Dahil humihirap lang 
Hanggang dito na lang 
Akala ko'y habangbuhay ang awit 
Akala ko'y hanggang langit 
Kay haba pa ng kantahan 
Dito na ba tayo tatantan 
Kung ganito na nga ang tadhana 
Sarang pinto at bintana 
Dapat sigurong iwasan ang pagkatok sa'ting nakaraan 
Mga nakaugalian dapat ng pagbawalan 
Sunugin na ang mga larawan 
Hanggang dito na lang 
Hanggang dito na lang 
Ikaw ba ang nagbago o ako o tayo 
Baka tayo 
Hanggang dito na lang 
Hangang dito na lang 
Hangang dito na lang 
Hangang dito na lang 
Kung tunay ang paalam 
Wag ka ng magparamdam dahil humihirap lang 
Hanggang dito na lang