menu-iconlogo
huatong
huatong
avatar

Ganti Ng Patay

Zaitohuatong
oulfa83huatong
Testi
Registrazioni
Sa bawat paghakbang ko ng mga paa

Sa bawat ngiti at mga luha sa mata

Sa bawat tayo ng balahibo ko'y dama

Kung bakit mariin ang pagkasulat ng kanta

Binuo ang kanta kong hindi gano'n kadali

Pira piraso ng piling salita ang tinahi

Na may pagmamahal kong iniwasan ang mali

Ng sa aking pagbalik ay malakas ng muli

Naaalala mo pa noong bago magkahiwalay

Nakangiti pero banaag ang bigat ng lumbay

Ang kalooban ko'y para bang gusto ng bumigay

Pero tungkulin kong tapusin ang ganti ng patay

Halos magdilim sa pagod ang aking paningin

Kahit sabik sa yakap ng anak handang tiisin

Ako ay nagpatay malisya sa mali nilang sagot

Sumasaya ang buhay ko kapag malungkot

Nanginginig ang laman kong sinuksok ang mga bala

Bilang sa mga daliri kung sinong dapat mauna

Di mapigilan ang pagdami ng lumutang na bangkay

Anong hiwagang nakabalot sa ganti ng patay

Nanginginig ang laman kong sinuksok ang mga bala

Bilang sa mga daliri kung sinong dapat mauna

Di mapigilan ang pagdami ng lumutang na bangkay

Anong hiwagang nakabalot sa ganti ng patay

Tagtag ang isipang inuukilkil ang sagot

Sasabay pa ang pagdapo ng minsanan kung bagot

Imahinasyong malikot baka kulang sa sundot

Badtrip umuulan na pero parang tagtuyot

Ako'y gagala gala muna para di mainip

Maghahanap sa kasalubong kung pareho ng trip

Magkita kita sa mata kahit sumabit sa jeep

Di baleng sigawan ako wag lang tawagin na plip

Buong puso kong sinagupa ang taas ng mga alon

Sinalubong mag isa kahit na mabigat ang hamon

Di alintana ang dugo ang katawan ko na bumangon

Saksi sa harap mo'y mga bangkay na tumilapon

Tagaktak ang butil butil na pawis ng bano

Ang yayabang umasta eh hindi naman kano

Inaaral ko yung laro patawa tawa si anygma

Zait steady alam kong solid ang baraha

Nanginginig ang laman kong sinuksok ang mga bala

Bilang sa mga daliri kung sinong dapat mauna

Di mapigilan ang pagdami ng lumutang na bangkay

Anong hiwagang nakabalot sa ganti ng patay

Nanginginig ang laman kong sinuksok ang mga bala

Bilang sa mga daliri kung sinong dapat mauna

Di mapigilan ang pagdami ng lumutang na bangkay

Anong hiwagang nakabalot sa ganti ng patay

Istorya ng pag aalsang nakatakdang isulong

At ni minsan sa hinirang di sumagi ang pag urong

Mga bulong sa tenga kong nagpatayo ng balahibo

Pila pila ang espiritung gagamit ng laman ko

Tinanggap ko sa loob ng magsarado ang talukap

Nakatitig habang panulat mariin kong hawak hawak

Nag iyakan ang anghel sa pagnanasa kong bumawi

Ganti ng patay utos ng espiritung naghari

Tinik ng rosas dugong di mapigil ng buhawi

Nais maisambitla ng kagat kagat na labi

Nag ungulan ang langitngit sa tagal ng pagkabawi

Umalingawngaw ang sigaw ng tumayong muli ang hari

Ang espiritu'y hindi lang sa lakas ng pagkabawi

Mahigpit mang nakagapos ang kamay pero nahawi

Bawat bahagi ng salansan ang pagkakahati

Kung sino'ng tunay at hindi ikaw na ang pumili

Nanginginig ang laman kong sinuksok ang mga bala

Bilang sa mga daliri kung sinong dapat mauna

Di mapigilan ang pagdami ng lumutang na bangkay

Anong hiwagang nakabalot sa ganti ng patay

Nanginginig ang laman kong sinuksok ang mga bala

Bilang sa mga daliri kung sinong dapat mauna

Di mapigilan ang pagdami ng lumutang na bangkay

Anong hiwagang nakabalot sa ganti ng patay

Altro da Zaito

Guarda Tuttologo

Potrebbe piacerti