menu-iconlogo
huatong
huatong
avatar

Ang Tanging Ina N'yo

AI AI DELAS ALAShuatong
ecosway1huatong
歌詞
レコーディング
Ang Tanging Ina N'yo - Ai Ai Delas Alas

Written by:Lito Camo

Hindi ko maintindihan kung ba't sila ganyan

Minsan kami'y nakikita't pinag uusapan

Kasalanan ko bang umibig at iwanan

Magkaroon ng anak na tangi naming yaman

Lahat na yata ng hirap ay ginawa ko

Naging tindera na ako ng pirated sa kanto

Naging construction worker para lang mabuhay kayo

Gay impersonator ang naging trabaho ko

Kay hirap talagang maging isang ina

Mahaba dapat ang iyong pasensya

Pero kahit andyan ang problema

Para sa anak lahat ay kayang kaya

Dahil ako ang

Tanging ina nyo na nagpapalit ng diapers nung bata pa kayo

Tanging ina nyo Ang nag aalaga namamalantsa ng damit nyo

Nagpapaligo habang nagluluto ako nagpapakain nag aalaga sa inyo

Kinabukasan nyo ang laging iniisip ko

Ang mapag aral kayo hanggang sa kolehiyo

Magtinda man ako ng gulay isda at sago

Chicharon at balot ay gagawin ko

At kahit marami satin'g umaalipusta

Sabihin man nila lahat ang gusto nila

Dito sa puso ko'y pantay pantay ang nadarama bilang mga anak

Dahil ako ang inyong ina

Kay hirap talaga kapag nag iisa

Responsibilidad mo'y di basta basta

Kuryente tubig bayad sa kasera

Kung may sobra ma'y baon sa eskwela

Dahil ako ang tanging ina nyo

Ang tumatayo bilang nanay at tatay nyo

Tanging ina nyo na nagpapatawa kapag nalulungkot kayo

Nasasaktan pag di nabibigay ang gusto nyo mga kailangan

Tanging ina nyo na handang magtanggol pag inaapi kayo

Tanging ina nyo na ibibigay kahit buhay ko sa inyo

Anu man ang mangyari nandirito ako

Hanggang huli

Tanging ina nyo

Tanging ina nyo

Tanging ina nyo ako

Tanging ina nyo

AI AI DELAS ALASの他の作品

総て見るlogo

あなたにおすすめ