menu-iconlogo
logo

Umpisa

logo
歌詞
Bakit nagbago pag-ibig na kay tamis?

'Di alam ang ginawa ko kung bakit bigla kang nainis

Kaya lumihis at umalis, parang kalat na winalis

Relasyon biglang naglaho, pangyayari'y sadyang kay bilis

'Di lubos maisip, uh, kung bakit ba nagkagan'to?

'Di naman ako nahuhuli 'pag ikaw ay sinusundo

Magkasundo sa bawat bagay, sa bawat pakay

Wala pa rin bang tiwala na pag-ibig ko ay tunay?

Mahal kita, ba't 'di mo kayang pagbigyan?

Ang puso ko sa 'yo, bakit sinasaktan?

Hindi na totoo mga sinabi mo sa akin

Hindi na sigurado 'pagpatuloy pa 'tong ating

Relasyong masama, 'di na tayo masaya (masaya)

Ba't 'di natin subukang bumalik sa umpisa?

Para ating itatama (para ating itatama)

Para ating itatama, oh (para ating itatama)

Ni hindi ka na nagtatampo (no)

Palaging malamig ang yakap mo (sheesh)

'Di na kita pwede na asarin

Naba-bad trip ka na kapag lalambingin

'Kala mo, laro lang ba?

'Kala mo, laro lang ba?

Dami mong oras makipagsagutan

Ba't 'di mo subukan makipag-ayos?

Ako na nga sa ilalim

Away na lang ba palagi?

Sana nama'y seryosohin

Gan'to na lang ba palagi?

Alam ko naman na mahirap 'to

Kaya pag-usapan natin 'to

Ayusin natin kung ano ang mali

Para 'di tayo magsisihan sa huli

Mahal kita, ba't 'di mo kayang pagbigyan?

Ang puso ko sa 'yo, bakit sinasaktan?

Hindi na totoo mga sinabi mo sa akin

Hindi na sigurado 'pagpatuloy pa 'tong ating

Relasyong masama, 'di na tayo masaya (masaya)

Ba't 'di natin subukang bumalik sa umpisa?

Para ating itatama (para ating itatama)

Para ating itatama, oh (para ating itatama)

Iniwang luhaan, lunod sa emosyon

'Di mo man binigyan ng pagkakataon o eksplanasyon

Nang akin naman mapakinggan

Gan'to na ba tayo kagrabe?

'Di na ba pwedeng bumalik sa dati?

At baka sakaling mahanap ang susi

At muling pag-ibig natin ang maghari

'Yoko tayong mahati

Tapat sa 'yo nang isang daan

At walang kalahati (uh)

Kaya sana puso'y muling buksan

Pag-usapan natin at maiwasto

Pag-ibig ko sa 'yo, 'di iiwas 'to

Ibibigay lahat ang gusto mo

Maibalik ko lang ang puso mo

Mahal kita, ba't 'di mo kayang pagbigyan?

Ang puso ko sa 'yo, bakit sinasaktan?

Hindi na totoo mga sinabi mo sa akin

Hindi na sigurado 'pagpatuloy pa 'tong ating

Relasyong masama, 'di na tayo masaya (masaya)

Ba't 'di natin subukang bumalik sa umpisa?

Para ating itatama (para ating itatama)

Para ating itatama, oh

Umpisa by Aziatik/Kunnns/RJ Belo - 歌詞&カバー