Masasayang mga araw, na kasama kita
Paglalambing at kulitan mo
Na hindi nakakasawa
Punong puno ng ligaya
ang ating, pagsasama
Na parang wala nang sisira, ng lahat
Bakit pa dumating, ang oras na ito?
Nabalitaan ko, na wala ka na
Hindi ba't sabi mo hindi mo ko iiwan?
Hindi papabayaan na ako'y mag isa
Hindi ba't sabi mo sabay tayong tatanda?
Bakit bigla ka na lang nandyaan.
Sa kabilang buhay?
Paano na ang lahat?
Paano na ako, tayo?
Hindi ba't sinabi mo sa akin
na sabay tayong mangangarap?
Bakit bigla kang lumisan
Nang hindi man lang nagpaalam?
Isang malamig na hangin
ang yumakap sa akin
Parang isang pahiwatig
na magpapaalam ka na
Hindi ba't sabi mo hindi mo ako iiwan?
Hindi papabayaan na ako'y mag isa
Hindi ba't sabi mo sabay tayong tatanda?
Bakit bigla ka na lang nandyaan
Sa kabilang buhay?
Hindi ba't sabi mo hindi mo ako iiwan?
Hindi papabayaan na ako'y mag isa
Hindi ba't sabi mo sabay tayong tatanda?
Bakit bigla ka na lang nandyaan.
Sa kabilang buhay?
Sa kabilang buhay.