Masasayang mga araw na kasama kita
Paglalambing at kulit
mo na hindi nakakasawa
Punong puno ng ligaya
ang ating pagsasama
Na parang wala nang sisira ng lahat
Bakit pa dumating ang oras na ito?
Nabalitaan ko na wala ka na
'Di ba't sabi mo hindi mo ko iiwan?
'Di papabayaan na ako'y mag isa
'Di ba't sabi mo sabay tayong tatanda?
Bakit bigla ka na lang
nandyan sa kabilang buhay?
Paano na ang lahat? Paano na ako, tayo?
'Di ba't sinabi mo sa akin
na sabay tayong mangangarap?
Bakit bigla kang lumisan nang
hindi man lang nagpaalam?
Isang malamig na hangin
ang yumakap sa akin
Parang isang pahiwatig
na magpapaalam ka na
'Di ba't sabi mo hindi mo ako iiwan?
'Di papabayaan na ako'y mag isa
'Di ba't sabi mo sabay tayong tatanda?
Bakit bigla ka na lang
nandyan sa kabilang buhay?
'Di ba't sabi mo hindi mo ako iiwan?
'Di papabayaan na ako'y mag isa
'Di ba't sabi mo sabay tayong tatanda?
Bakit bigla ka na lang
nandyan sa kabilang buhay?
Sa kabilang buhay