Ikaw na pala
Ang may ari ng damdamin ng minamahal ko
Pakisabi na lang
Na kay dami nang tanong sa isip kong walang sagot
Kung bakit mo ako iniwan mo sa lungkot ay balot
Pero balewala na yon gusto ko nalang paabot
Parating sayo hanggang ngayon sobrang takot
Paring isipin bakit biglang bumitaw
Mga pangarap nating binuong ako lang at ikaw
Ay naglaho sa paglisan
Hirang di ka natanaw
Di kana katabi't kapiling sa gabing maginaw
Pusong isinisigaw na sakin wag kang lumayo
Tangan pa rin alaala sayang kusang nagato
Pag ibig na gumuho at kapalarang nag biro
Kung alam ko lamang sana na makikipaglaro
Pinaglaanang katipan na itinangis
Di walang agam at bahagdang magkaron pa dapat ng puwang
Pagmamahalang ating inumpisahan naraig sukdulang nagkatapusan
At para sa lalaking pinalit mo sakin sana lang
Binalewala niya ako dahil sa 'yo
Nawalan na ng saysay ang pagmamahal
Na kay tagal ko ring binubuo
Na kay tagal ko ring hindi sinuko
Binalewala niya ako dahil sa 'yo
Dahil sa 'yo
Marahil ay narating na nga natin ating hangganan
Na may halos anim napung taon ang kinaagahan
Dahil ang inaasahan kasama ka sa pag tanda
Sa bilis ng mga kaganapan di man lang nakapaghanda
Limang taon at tatlong buwan maraming planong nabuo
Pero halos tatlong linggo ng nagtatalo ano to
Mga bagay na simple lang naman kung tutuusin
Na napakadaling ayusin kung yong gugustuhin
Ngunit bakit tila mas nais mo itong lumala
Nagalit ka nang punahin kita ika'y tumaba
Nilayasan ako't di na kumain ng tanghalian
Naka empake na ang gamit mo ng kinagabihan
Di mo'ko sinasabihan kung anong balak mo
Teka saglit mag usap tayo may pasalubong ako sayong bagnet
Subalit may biglang magarang otong huminto
Pagbukas ng pinto isang lalake na puno ng ginto
Binalewala niya ako dahil sa 'yo
Nawalan na ng saysay ang pagmamahal
Na kay tagal ko ring binubuo
Na kay tagal ko ring hindi sinuko
Binalewala niya ako dahil sa 'yo
Dahil sa 'yo
Dating malinaw at wagas tuluyang nagkalabuan
Natuldukan at nagwakas tuluyang natapos nalang
Pagsasalong kay tamis na kusang biglang nanabang
Naapuhap may pasakit ingatan mo syang walang
Halong pag aalangan para sa kaalaman
Mo di ko yan pinapatulog ng walang laman ang tyan
Lagi mong babantayan kahit na may kaartehan
Sa katawan bigyan ng oras at pahalagahan
Marahil nga ay naiinip ka na sating mga pangarap
Kaya ka gumawa ng paraan para mahanap
Ano nga naman ang laban ko iba kapag mayaman oh
Nalaman ko di na pala dolores ang pangalan mo
Hindi na rin ako manggugulo yan ay asahan mo
Sa dami ng bantay na de baril sa kaliwa't kanan mo
Pasabi nalang din kay gov itong aking mensahe
Ingatan mo itong minsang pinangarap kong babae
Ingatan mo siya
Binalewala niya ako dahil sa 'yo
Nawalan na ng saysay ang pagmamahal
Na kay tagal ko ring binubuo
Na kay tagal ko ring hindi sinuko
Binalewala niya ako dahil sa 'yo
Dahil sa 'yo