Minsan akoy nangarap na sumikat at tingalain
St ang mga likha kong awit ay papakingan nyo rin
Ngunit hindi madali to dahil marami ang balakid
Saking dinadaan upang sa ako ay mapatid
Pero di ko pinansin akoy tuloy tuloy lang
Dahil kasama ko pangrap ko sa aking pag hakbang
At positibo lagi ang aking bawat mga
Mga galaw
At wala sa bokabolaryo ko ang basta aayaw
Kahit maiwan man akot malipasan ng panahon
Akoy uhaw sa pangarap kaya't aabutin ko yun
Kahit di man sukdulan o di ko marating ang dulo
Nagiging masaya parin dahil di ako sumuko
Kahit na di man ngayon o bukas kahit kailan pa
Ang mahalaga sa akin tuloy lang sa pag arangkada
Dahil tulad mo rin ako may mithiin at pangrap
Na sana balang araw ito ay aking mahagilap
Koro
Para sa mithiin ay patuloy lang
Dapat tuparin Hanggang sa masumpongan
Bastat magtiwala ka bastat magtiwala ka
Ano mang balakid ang nakahadlang
Isipin mo palagi ang mga salita na magtiwala ka bastat magtiwala ka
Salamat dahil naging mabait sa akin ang tadhana
Kahit na papano'y may taga suporta taga hanga
Narin ako na kahit kayo'y mangilan ngilan
Kayo naman ang dahilan kung ba't lalo pang ginanahan
Sa pag gawa ng tula ipalaganap ang mensahe
Na wag kang basta susuko ituloy mo lang ang byahe
Kahit madapa ka man ng kahit ilang libong ulit
Ay isipin mo nalang tadhana minsan makulit
Sinusubukan ka lang nya pakisamahan mo lang sya
At kung mag kamali ka man wag mong baguhin ang pasya
Tuloy tuloy lang sa pag lakad at maaabot mo din
Ang mithiin at mapuputa sa na nais marating
At masasabi sa sarili mo ay ito na nga
Buti nalang hindi ka humimto at hindi nadala
Ang mga pangarap mo hindi mo binalewala
At sa likod ng pag hihirap mo mayron kang napala
Para sa mithiin ay patuloy lang
Dapat tuparin Hanggang sa masumpongan
Bastat magtiwala ka bastat magtiwala ka
Ano mang balakid ang nakahadlang
Isipin mo palagi ang mga salita na magtiwala ka bastat magtiwala ka
Magtiwala sa sarili at sayong kakayanan
Dyan huhugot ng lakas kapag ka pinanghihinaan
Ng loob at pakiramdam mo ay aayaw ka na
Hingang malamin at isiping may magagawa ka pa
ang buhay di natatapos sa dami ng pagkabigo
dyan lang sinusukat ang tatag ng pagkatao mo
Karanasan mo lang palagi ang magigi mong sandalan
Upang magpatuloy ka sa hinaharap mong laban
Diba matapang ka ngayon kapaba aatras
Kung kailan manhid ka na sa mga galos at gasgas
Kung kailan nalampasan mo na mabibigat na hamon
Malalakas na alon sinalubong at bumangon
Tadhana ang humanon hindi ka napa urong
Tuloy ka sa pag sulong at ikaw lang tutulong
Sa iyong sarili mo lang ang aasahan
Pagkatao mo lang din naman ang iyong kalaban