Babae ako na makasalanan
Umibig sa yo na isang salawahan
Parusa ba ito ng ating kapalaran
Ang buhay nga ba kaya ay sadyang ganyan
Nasaan ka ng akoy di pa nasasawi
at ang landas mo
ay di pa ganung namamali
Tayo kaya ay pinagtampuhan ng tuwa
Bakit sa pisngiy di mawala
ang guhit ng luha
Kahit ikaw ay isang salawahan
at ako naman ay isang makasalanan
Pagmamahal natin ay sadyang tunay
sa isat isa'y higit sa buhay
Bakit kaya huli na ng ating mabatid
Atin pala ang kagandahan ng daigdig
Tayo kaya ay makapagsimula pang muli
kahit na ang kahapong mali
ay naritong lagi
Babae ako na makasalanan
Umibig sayo na isang salawahan
Parusa ba ito ng ating kapalaran
Ang buhay ba kaya ay sadyang ganyan
Ang buhay ba kaya ay sadyang ganyan
Ang buhay ba kaya ay sadyang ganyan