Ako'y ulan ika'y uhaw sa tubig
Ika'y daan pag 'di na alam kung sa'n ba uuwi
Ako'y buwan at ikaw ang araw
Lagi tayong nariyan binibigyang liwanag ang dilim
At kahit pa sa isang daang bagay 'di magkasundo
'Di maikakailang sumasang-ayon ang puso
Minamasdan ang 'yong ngiting makisig
Inaasam na ang dahila'y ang aking pagsambit
Na ang laman ng aking puso't isip
Tanging ikaw lang magbago man ang ikot ng daigdig
At kahit pa sa isang daang bagay 'di magkasundo
Hindi maikakailang sumasang-ayon ang puso
Ikaw na nga ang hinahanap-hanap ko
Sumalungat man ang ating pagkatao
Ang puso ko ay sigurado na sa'yo
Pag-ibig na ang nagpasya nito
At kahit pa sa isang daang bagay 'di magkasundo
'Di maikakailang sumasang-ayon ang puso
Ho
Ikaw na nga ang hinahanap-hanap ko
Sumalungat man ang ating pagkatao
Ang puso ko ay sigurado na sa'yo
Pag-ibig na ang nagpasya nito
Pag-ibig na ang nagpasya nito