menu-iconlogo
logo

Sang-ayon

logo
歌詞
Ako′y ulan, ika'y uhaw sa tubig

Ika′y daan, 'pag 'di na alam kung sa′n ba uuwi

Ako′y buwan, at ikaw ang araw

Lagi tayong nariyan, binibigyang liwanag ang dilim

At kahit pa sa isang daang bagay 'di magkasundo

′Di maikakailang sumasang-ayon ang puso

Minamasdan ang 'yong ngiting makisig

Inaasam na ang dahila′y ang aking pagsambit

Na ang laman ng aking puso't isip

Tanging ikaw lang, magbago man ang ikot ng daigdig

At kahit pa sa isang daang bagay ′di magkasundo

'Di maikakailang sumasang-ayon ang puso

Ikaw na nga ang hinahanap-hanap ko

Sumalungat man ang ating pagkatao

Ang puso ko ay siguradong na sa 'yo

Pag-ibig na ang nagpasya nito

At kahit pa sa isang daang bagay ′di magkasundo

′Di maikakailang sumasang-ayon ang puso, ooh-ooh-ooh

Ikaw na nga ang hinahanap-hanap ko

Sumalungat man ang ating pagkatao

Ang puso ko ay siguradong na sa 'yo

Pag-ibig na ang nagpasya nito

Pag-ibig na ang nagpasya nito