menu-iconlogo
huatong
huatong
歌詞
収録
Araw araw kang naiisip o pwede bang tumigil saglit

Anong silbi ng nararamdaman

Ang ingay na napapakinggan

Hindi hadlang sa pagkukulang

Hindi pa ba sapat na nagmahal

Ang dami nang nangyare pero di parin pu-pwede

Kahit pa ilang beses itanong

Wala mang impossible pero di natin masabi

Darating at magkikita rin doon

Ang dami nang nangyare pero di parin pu-pwede

Kahit pa ilang beses itanong

Hayaan lang ang oras mag laan ng konting lunas

Idadaan nalang sa bulong

Anumang malala ang parating

Mata ko'y hindi na sasalingin

Madalas man sa tukso bahain

Di madala sa bugso, para ulanin

Nakatingala sa bituin,

Sa pagitan ng ako't ikaw na isinantabi

Tawagan ng nararamdaman ang nilalaman ng palitan sa araw at gabi

Iduyan mo ko sa gitna ng napanaginipan

Ng isipang lumalaya sa damdamin na kulungan

Ang hantungan nasa kalawakan lamang tayo mauwi (aye)

Ayon sa ngiti, ng mukhang pinapadala

Kasiyahan na pinaghatian

Nung maging tayong dalawa na naging isa

Tawid dagat na't palipad paraan para sa hangad kong di mailapag

Dahilan nang, naipatupad, ang labag kapag

Mag-isa kong nabusog sa hapag

Pag-ibig ang kalasag ko

Pag napadako sa kada kanto dala litrato mo

Nakaipit sa bulsa pag titig palihim nasabi na babalik ako,

Para lang sayo

Ang dami nang nangyare pero di parin pu pwede

Kahit pa ilang beses itanong

Wala mang impossible pero di natin masabi

Darating at magkikita rin doon

Ang dami nang nangyare pero di parin pu pwede

Kahit pa ilang beses itanong

Hayaan lang ang oras mag laan ng konting lunas

Idadaan nalang sa bulong

Tawid dagat na't palipad paraan para sa hangad kong di mailapag

Dahilan nang, naipatupad, ang labag kapag

Mag-isa kong nabusog sa hapag

Pag-ibig ang kalasag ko pag napadako sa kada kanto dala litrato mo

Nakaipit sa bulsa pag titig palihim nasabi na babalik ako,

Para lang sayo

Glaiza de Castro/Max Importunateの他の作品

総て見るlogo

あなたにおすすめ