menu-iconlogo
logo

Pusong Ligaw

logo
歌詞
Di kita, malimutan sa mga gabing nagdaan

Ikaw ang pangarap nais kong makamtam

Sa buhay ko ay ikaw ang kahulugan

Pag-ibig ko'y walang kamatayan

Ako'y umaasang muli kang mahagkan

Ikaw pa rin

ang hanap ng pusong ligaw

Ikaw ang patutunguhan at pupuntahan

Pag-ibig mo

ang hanap ng pusong ligaw

Mula noon, bukas, at kailanman

Ikaw at ako

Sinulat sa mga bituin

At ang langit

Sa gabi ang sumasalamin

Mayroong lungkot at pananabik

Kung wala ka'y kulang ang mga bituin

Aasa ako, babalik

Ang ligaya aking mithi

Hanggang sa muling pagkikita

Sasabihin mahal kita

Ikaw pa rin

ang hanap ng pusong ligaw

Ikaw ang patutunguhan at pupuntahan

Pag-ibig mo

ang hanap ng pusong ligaw

Mula noon bukas at kailanman

Mula noon bukas at kailanman

Mula noon bukas at kailanman